"ANG LANDI MONG GAGA KA!" Napapikit ako sa sigaw ni Tracey, sila Beng-Beng at Macky naman ay masama ang tingin sa akin at handa nang manugod.
Kinagat ko ang daliri at napayuko. "Pogi kasi ni Kuya Talcott, eh," dahilan ko at lahat sila napasigaw sa inis kaya natawa ako.
Kanina ko pa sila inaasar tungkol sa ginawang pag pat ng head sa akin ni Kuya Talcott, syempre ginawa ko lang 'yon para hindi nila ako tanungin tungkol kay Akishiro! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang makakatrabaho ko na siya kasama pa si Carms! Ang dalawang idol ko, huhu.
"So ano na nga ang nangyari? Hinayaan ka namin, tatlong araw ka nang patahi-tahimik at madalas ngumingiti mag-isa! Katakot ka, gurl!" Umupo sa harapan ko si Macky at siya ang nagpaypay sa mga tinda kong isda.
"Oo nga! Ikaw, ah! Naglilihim ka na sa amin, sinasabi ko sa 'yo, Aezra Maux! Kapag kami nahuli sa balita papakawalan namin 'yang mga tinda mong isda." Natawa ako nang irapan ako ni Tracey.
"Feeling ko talaga hindi si fafa Talcott ang bet nito, eh. Umamin ka! Si Carms, ano?!" Nanlalaki ang mata ni Beng-Beng habang nakaduro sa akin dahilan para matawa ang dalawang bakla at mapasimangot ako.
Hindi ko sila pinansin at tumingin na lang sa paligid, may mangilan-ngilan pa lang mamimili dahil kaninang umaga ang dagsa. Napausod ako paharap nang makitang may pamilyar na babaeng papunta sa pwesto namin.
"Hira!" I called my sister and she immediately ran and hugged me. Napahagikgik ako nang sampalin niya ang likod ko at nagtatatalon.
"Kakauwi mo lang?" tanong ko matapos siyang yumakap sa tatlong baklang tuwang-tuwang makita siya. Hinayaan ko siyang mag-stay kasama ang Lola niya sa probinsya habang hindi pa pasukan, dalawang linggo ko siyang hindi na kita kaya miss na miss ko ang kapatid ko.
"Oo ate, tutulong ako!" Ngumiti siya habang iwinagayway pa ang pang taboy sa mga langaw. Nahawa ako sa ngiti niyang umabot hanggang mata kaya mabilis ko siyang niyakap muli at pinisil pisil ang braso.
"Ang baby na 'to, miss na miss ko!"
"Ano ba, ate! Ang lansa mo kaya!" angal niya pero niyakap ko pa rin siya at kiniliti dahilan para halos mamatay siya kakatawa.
"Hoy mga bakla, kung makaasta kayo. Ilang taong hindi nagkita?" reklamo ni Macky.
I rolled my eyes.
"Epal ka, 'no?" sagot ko at inakbayan si Hira, isinandal naman niya ang ulo niya sa akin at bumelat sa mga bakla.
"Miss ko si ate, hindi ako sanay na hindi naaamoy siya," malambing na sambit niya kaya napangiti ako habang hinahaplos ang hanggang bewang niyang pinong itim na buhok.
Humalakhak si Beng-Beng, "Bakit? Ano bang amoy ng ate mo?"
"Amoy malansa," sagot ni Hira kaya mabilis ko siyang tinulak, tawa-tawa naman siyang yumakap sa akin.
"Biro lang!" Halos hindi na makita ang mata niya sa kakatawa kaya nahawa rin ako.
Buong linggo wala kaming ginawa kung hindi ang magtrabaho para may makain. Kung walang gagalaw para sa amin, paano na lang kami? People will say na kasalanan ng tao kung bakit siya mahirap. Kasalanan ng tao at katamaran ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nasa laylayan pa rin sila ng lipunan pero hindi nila alam biktima lang din sila ng sitwasyon. Anong trabaho ang matatanggap ng isang tulad kong hindi nakapagtapos? Anong buhay ang nag aabang sa tulad naming lumaki upang pagtrabahuan ang bawat kutsarang kanin na aming isusubo?
"Ready ka na ba, ate?" Ninenerbyos akong napatingin sa kapatid. Ngayong araw na kasi 'yong unang araw ng taping. Though, wala naman talaga akong exposure sa camera at hindi mukha ko ang ilalabas sa camera pero kinakabahan ako kasi mga bigating artista daw ang casts sabi ni Kuya Talcott!
"Ate mukha kang natatae."
"Hira, tigil-tigilan mo 'ko hindi ka nakakatulong." Tinarayan ko siya at nagsuklay.
"Joke lang!" She laughed cutely.
"Ang ganda kaya ng Ate ko, hmm pahingi nga ng bente," biro niya pa, kinurot ko siya kaya mas lalo lang siyang natawa.
"Aalis na 'ko, may hapunan ka na diyan. I-lock mo ang pinto bago matulog pati bintana. Siguraduhin mong nakasara ang kalan," bilin ko at hinalikan ang noo niya bago umalis. Saglit lang biyahe ko sa location dahil dito lang daw sa Divisoria ang mismong set. Napangiti ako, paano kaya ipapakita ng Character ni Carms ang buhay sa ganitong lugar?
"Aezra Yrane po," sambit ko sa lalaki na nasa labas ng set, tumango siya at binigyan ako ng I.D bago pinapasok. Napaawang ang labi ko nang makita ang mga nagkalat na malalaking camera. Marami ring tao at hindi magkandaugaga sa ginagawa. Ang iba ay may mga hawak na wire na itim at may nakita pa akong mga baklang may hawak ng mga damit na hindi nalalayo sa suot kong kupas na damit at pantalon.
Inilibot ko ang paningin at napansin ang kaibahan ng kasuotan ko sa ibang taong nandito. Lahat sila ay halatang mamahalin ang suot at ang iba ay may mga makapal na kolorete. Napahawak ako sa pisngi kong sinampal ko lang kanina para mamula, sapat na siguro 'yon, 'no?
Napanguso ako.
Nasa'n na ba si Kuya Talcott?
"H'wag kang tumunganga lang diyan, iabot mo 'to kay Ms. Carms." Napaawang ang labi ko nang abutan ako ng baso ng juice ng isang bakla at iwan sa akin 'yon.
Ano daw?
Aligaga kong inikot ang paningin sa paligid, may ibang mga dumadaan sa harapan ko pero hindi ako pinapansin. May nakita akong magkatabing tent kaya napagdesisyunan kong pumunta doon. Malakas ang instinct ko nandoon si Carms!
Kinakabahan man ay dahan-dahan akong pumasok sa loob, agad akong nanigas sa kinatatayuan nang may nakita akong babaeng nakaupo sa silya. Maputi! Sobrang puti! Tapos iyong suot niya oh my gosh.
Pakiramdam ko gustong-gusto kong tumalon, unti-unting umangat ang tingin sa akin ni Carms at nang magtama ang mata namin ay nanlalambot bigla ang tuhod ko
"Hi," she greeted me and smiled sweetly. Yawa. Sorry Akishiro, sorry Kuya Talcott, para sa babae ata ako. Charot.
"For me?" tanong niya pero kumurap-kurap lang ako sa harapan niya.
"Hey, are you okay?" malambing niyang tanong. Wala sa sarili akong tumango at iniabot sa kanya ang juice pero jusko mahabagin, nadulas iyon sa kamay ko nang biglang may mag salita sa harapan ko!
"Carms, did you see my-what the f**k!"
Natapon ang juice sa damit niya, halos maiyak ako at pinagkiskis ang kamay. Nakatulala lang siya sa damit niyang nalagyan na ng mantsa. Sa isip ko ay kinakalkula ko na kung magkano 'yon! Jusme, kagagahan mo, Aezra!
"Sorry po, sorry." Pinagkuskos ko ang kamay habang nakayuko, ramdam ko ang pamamasa ng mata at ang pagbara ng kung ano sa lalamunan ko.
"I think it's fine. It's just a dress, not even worth a million . . . right, Carms?" tanong sa likod ko ni Akishiro. Napapikit na lang ako sa inis sa sarili.
"This is a limited edition dress, Aki." Ramdam ko ang inis ni Carms sa bawat salitang binibitawan niya kaya halos humagulgol ako sa harapan nila.
"Hey, don't cry," pag-aalo sa akin ni Akishiro, sinubukan pang tignan ang mukha ko pero mas lalo lang akong yumuko. Siya may kasalanan nito! Ginulat niya ko, eh!
"You look like a cat, stop crying." Tumawa siya at hinawakan ang baba ko para makita ang mukha, pinilit ko iiwas ang paningin sa kanya pero hinuli niya ang magkabilang pisngi ko at nang magtama ang paningin namin ay muling lumamlam ang mata ko.
"Seriously, Akishiro? Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa ibang tao?" Tinulak ko si Akishiro nang magsalita si Carms, kinunot ko ang noo at tumingin kay Carms na ngayon ay parang papatayin ako sa tingin.
"Look at her! halatang wala siyang pera, dinumihan pa ang suot ko! How will you pay for this?!" galit na sigaw niya sa akin kaya napayuko ako.
Ang inosente niyang mukha ay napalitan ng nakakatakot na awra. Ganito 'yung nakikita ko sa mga eksena niya, hindi ko lang alam na mararanasan ko rin palang masigawan ng isang Carms.
I smiled bitterly.
It's my pleasure
"Ano? Titingin ka na lang sa akin?!" Pansin ko ang kumpol ng mga tao sa likuran namin kaya niyuko ko na lang ang ulo ko, hindi ko naman sinasadya.
"Ha!" singhal niya at hinatak ang braso ko, napa-aray ako at ang iba ang napasinghap sa ginawa niya. Si Akishiro naman ay napailing na lang sa gilid.
"Carms, stop it. You're making scene," pigil ni Akshiro.
"So kasalanan ko pa? Kasalanan ko pa kung bakit tanga-tanga 'tong babaeng 'to?" Napapikit ako sa diin ng hawak niya sa braso ko.
May mga tao talagang hindi maintindihan ang salitang hindi sinasadya, 'no?
Palihim akong napangiti ng sarkastiko. Sino ang tanga sa atin ngayon?
Gustong-gusto kong umiyak pero hindi ko ugaling ipakita na mahina ako sa ibang tao, alam ko ang pagkakamali ko pero hindi ibig sabihin 'non maari na akong pagmaliitin ng tao.
"Tell me." Iniangat niya ang baba ko at bahagyang pinisil. Namumula na ang mukha niya sa sobrang galit.
"Tanga ka ba?" gigil na saad niya.
I shook my head.
"Oh, talaga?!"
"Carms! I said stop it!" Natahimik ang lahat nang sumigaw si Akishiro, maging ako ay nanlaki ang mata sa sobrang gulat.
Malamig akong tinignan ni Akishiro dahilan para manlamig din ako sa kinatatayuan ko.
"Aezra Maux, follow me outside"
Mabagal kong inangat ang paningin kay Carms, hindi makapaniwalang tumingin siya kay Akishiro at muling ibinalik ang tingin sa akin. Ngumiti ako nang nagtama ang paningin namin at pasimpleng iniangat ang gitnang daliri ng kamao.
'f**k you' I mouthed and followed Akishiro outside the tent.