7

2360 Words
"What was that?" Nakayuko lang ako habang matalas na nakatingin sa akin si Akishiro at Kuya Talcott, hindi ko naman alam na mamahalin ang dress na 'yon, eh! Kung alam ko lang edi sana hindi na ako lumapit sa kanya dahil hindi ko talaga kayang bayaran ang damit niya. "Aezra—" "I'm sorry," naluluhang saad ko."Hindi ko naman sinasadya, eh. , I'm sorry." Nag angat ako ng tingin at nakitang napakamot na lang ng ulo si Kuya Talcott, I know he's disappointed with me, I saw it, the way he looks at me. "K-Kuya," tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at tinalikuran ako. Napakagat ko ang labi nang magsimulang tumulo ang luha ko. Ang tanga ko . . . ang tanga ko kasi ito na lang 'yung trabahong maaari kong pasukin na may malaking sahod pero sinayang ko pa. Hindi na dapat pa akong nag dahilan, in the first place wala na dapat ako dito kasi maaari silang kumuha ng mas may experience kaysa sa akin pero hinayaan ako ni Kuya Talcott kasi nagtiwala siya sa akin. And now, I lost his trust. Nakatitig lang sa akin si Akishiro, pinapakiramdaman ako. I met his cold eyes. I'm ready to hear his scold. I'm ready to hear him shouting but I received nothing. "Hindi mo ba 'ko sisigawan?" I asked slowly. "No." He licked his lower lip and shook his head. "Talaga?" hindi makapaniwalang sagot ko. He looked at me as if I'm going nuts. "Do you really think that I'm not a gentleman?" hindi makapaniwalang sambit niya. I nodded. "What the f**k," mura niya pa. "After mo 'ko sigawan noong nakaraan mag tatanong ka ng ganyan," nakangusong saad ko at inilibot ang paligid. Nasa loob kami ng tent si Akishiro, katabi lang iyon ng tent ni Carms pero malaki ang diperensya. Sa tent ni Carms ay couch pati mini closet pero sa tent naman ni Akishiro ay may kama na sakto lang sa kanya at may mini aircon. Pansin ko rin na may fridge sa gilid at may dalawang couch. Mas malaki ito kumpara sa nakita ko kanina. "Amaze from what you seeing?" tanong ni Akishiro at lumapit sa fridge. Kumuha siya doon ng dalawang bote ng tubig at iniabot sa akin ang isa. "Oo, para na kaseng isang bahay 'to. Mas marami pang laman kaysa sa bahay namin," sagot ko at pilit binuksan ang bottled water pero masyadong mahigpit ang takip kaya hindi mabuksan. Naiinis na ibinababa ko iyon at hinarap si Akishiro na pinagmamasdan pala ako. "Drink," utos niya at inabot sa akin ang bukas na niyang tubig, iniabot ko naman sa kanya ang hindi nakabukas. "Si Kuya Talcott, galit ba siya?" tanong ko matapos uminom. Nangalahati ang tubig kaya hindi ko na binalik pa sa kanya. Itinuro niya ang couch kaya umupo ako doon. "No, he's just disappointed. Regalo niya kasi iyon kay Carms." Mas lalo akong na-guilty sa sinabi niya. Napayuko ako at nagkutkot ng kuko. "Don't worry, do your best para makabawi ka sa kanya," pang-chi-cheer niya pero hindi ko pinansin at napanguso na lang. "Si Carms, mabait naman siya, 'di ba?" "Hmm . . ." Napatingala pa siya na para bang pinag iisipan kung tama ang sinasabi ko. Grabe naman! "Sort of." Napanganga ako sa sinabi niya. Ano daw?! "She's kind but not all the time. There are times that you will encounter her not so good attitude but trust me, frustrated lang siya kanina after what happened to her favorite dress." Napatango na lang ako. Tumayo ako at handa na sanang umalis pero hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapahinto. Nanghina ang tuhod ko matapos maramdaman ang lamig ng kamay niya, I don't know if he's sick but my mind can't entertain that thought. My heart is beating so fast inside me. "Stay here, mapag iinitan ka lang sa labas," saad niya habang hindi tinatanggal ang kamay sa braso ko. Aligaga naman akong napatango. "O-Okay." Pilit akong ngumiti at dahan-dahang tinanggal ang kamay niya sa braso ko dahilan para mapunta doon ang atensyon niya, kumunot ang noo niya sa akin at inis akong tinignan. "My hands are clean," agad na sagot niya sa akin, nakasimangot. "I know but . . . hindi ako komportable." Gusto kong kainin ang sagot ko dahil mas lalo lang siyang nairita sa akin. "Then get out," bigla niyang sabi, napatakip ako ng bibig para pigilang tumawa. "What's funny?" "Wala." "Aezra," banta niya nang hindi ako tumigil nakakatawa. "Ano?" sagot ko. "Why are you laughing?" he hissed. "Wala nga." "Aezra Maux." "Okay." I covered my mouth with my hands. "Sorry." Nag-peace sign ako at ngumiti ako ng labas ang gilagid. Aaminin ko, gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko siyang napipikon na naman. "You look like—" "Cat?" pagpuputol ko sa kanya. I looked at him sharply when he nodded. "As if," panggagaya ko sa line niya kaya tumawa siya. It was a beautiful sight. I don't know but I felt something in my stomach when I heard his soft chuckles. It was like a melody that I wanna hear countless times. "Stop looking at me," putol niya sa pag iisip ko at tinalikuran ako. Napakagat ako nang labi habang pinagmamasdan ang likurang bahagi ng katawan niya. Malaki ang katawan niya at halatang naggi-gym, pansin ko rin sa suot niyang puting t-shirt ang malaking muscle sa braso niya. Amp, yummy. "I don't know why you're here because as far as I know wala ka pang scene na ido-double ngayon." Napakunot ang noo ko. Eh, anong ginagawa ko dito? "Talcott wants to introduce you to the whole team so you would not feel uncomfortable. You know, the cast were the biggest stars in the industry and he don't want you to feel pressure and overwhelmed," mahabang paliwanag niya kaya napatango na lang ako. "Sit beside me," utos niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang umupo sa kabilang couch taliwas sa utos niya. "You, brat," inis na sabi niya pero tinarayan ko lang siya. "Bakit ang bait mo sa 'kin?" curious na tanong ko. Hindi ko lang sinasabi pero kanina ko pa napapansin, iyong kilos niya iba sa unang beses na nagkita kami except sa pagiging masungit niya. "Why? Am I not usually kind to you?" curious din na tanong niya at inilapit ang mukha sa akin. Napaatras ako at naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan. His chocolate eyes were not leaving my face. May dumi ba sa mukha ko? Pangit ba ako ngayong gabi? "Hindi naman sa ganon, para kaseng may nag iba saiyo." "And ano nga?" inis na tanong niya. "Aba malay ko," inis na sagot ko rin sa kanya. "You're so brat," singhal niya sa akin at napasimangot ako. "Coming from you, ah." Tinarayan ko siya at sumandal sa couch, ipinikit ko ang mata nang makaramdam ng antok. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero ramdam ko ang mga titig niya. Hindi ko na lang pinansin at patuloy na pumikit. Dinama ko kung gaano kalambot ang kinauupuan, ang ulo ko ay nakasandal habang ang mga kamay ay magkakrus. Magkano kaya 'to? Sobrang lambot talaga! "You're so cute," narinig kong may bumubulong pero hindi naproseso ng inaantok na utak ko ang ibig niyang sabihin. "Aezra Maux," pagtawag ng kung sino pero unti-unti na akong nilamon ng antok. "I love cats. " Nagising ako nang may naramdaman akong tumatapik sa pisngi ko, hindi ako sigurado kung sino iyon kaya napaungol na lang ako sa inis. "Hira, pagod ako ah." Nakapikit pa rin ako pero naging mas malinaw sa pandinig ko ang tumatawag sa akin! "Aezra." Tuwid akong napaupo at dumilat, muli akong napapikit nang masilaw at doon ko nakita si Akishiro, siya pala ang gumigising sa 'kin. "N-Nakatulog ako, sorry." Nakakahiya! Nakakumot ang kalahating katawan ko at nasa maliit na kama na ako ngayon nakahiga! Pinagmasdan ko ang paligid at napansing sobrang dilim at hindi na maingay sa labas. Tinitigan ko si Akishiro at napansin ang namumungay niyang mata, gaano katagal ba ako natulog? "It's okay, you can rest when you get home. Katatapos lang ng taping." Humikab pa siya at sumandal sa couch. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa balikat ko kaya medyo napapiksi ako sa pagdampi no'n. "Bakit 'di mo 'ko ginising?" nanghihinayang na sabi ko at napahilamos ng mukha. Bakit ko nga ba siya sinisisi? My gosh, Aezra! "Lakas ng hilik mo, eh." He chuckled when he saw my frowning face. "Kidding, Talcott said you were busy all day, selling fish. So I let you rest since I saw you comfortable with my couch." Kumunot ang noo ko nang makitang namumula ang tenga niya habang sinasabi iyon. Kinamot niya ang batok para umiwas ng tingin sa akin at muling humikab. Pagod na pagod siguro. "Inaantok ka na ba?" I mentally slapped myself when I asked that. Obvious naman diba? "Not really, I'm just tired," sagot niya at bahagyang sumimangot. "Magda-drive pa ako pauwi," dagdag niya at inabot ang itim na bag at may kinuha doon. "Nasaan si Kuya Talcott?" kunot-noong tanong ko, 'di ba manager siya? Bakit iniiwan niya ang alaga? Humigpit ang hawak ko sa kumot nang tignan niya 'ko ng masama, ang busangot niyang mukha ay ngayon ay galit na nakatingin sa akin. "Why you're looking for him?" Matalim ang tingin niya sa akin na para bang may tinanong akong masama. "Masama ba?" "I'm already here yet you keep on mentioning his name." Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam kung tama ang naramdaman ko pero may kung anong humaplos sa puso ko. Hindi naman siguro tama ang hinala ko 'no? "Bakit ba nagagalit ka?" "No, I am not." Iniwas niya ang tingin at kinuha ang itim na shirt sa loob ng bag niya, may kinuha rin siya doong maliit na bote na may lamang gamot. "Ano 'yan?" tanong ko at lumapit pa sa kanya para makita ng maayos. Inilayo niya naman sa akin kaya napasimangot ako. "Ano ba kasi 'yan?" "None of your business." Mas humaba ang nguso ko. "Damot mo," nasagot ko na lang at hinanap ang dala kong bag para sana mag handa sa pag alis. "I'm sick." Napatigil ako sa pagsuklay ng buhok at dahan-dahan siyang pinagmasdan. Kanina ko pa napapansin na matamlay siya at ngayon naman ay maputla na. Hindi kaya dahil sa pagod? "Ano?! Bakit kasi hindi mo inaalagaan sarili mo. Nasaan na ba si Kuya Talcott?" Ibinaba ko ang gamit at lumapit sa kanya, namumungay ang mata niya at mabigat ang paghinga. Dahan-dahan kong inilapat ang likod ng palad sa noo niya at doon ko naramdaman ang mainit na katawan niya. Hindi gaanong kainit pero sapat na para sabihing sinisinat siya. "Why do you keep asking about Talcott? Do you like him?" he asked in monotone. Medyo nakapikit ang mga mata niya dahil nakalapat pa rin ang kamay ko sa noo niya. Nakatingkayad din ang mga paa ko sa sahig dahil mas matangkad siya kumpara sa akin. "Hindi, 'no!" agad na sagot ko at humiwalay sa kanya ngunit ang kulay tsokolateng mata niya ay nakatingin pa rin sa akin. "Then why are you always mentioning his name?" tanong niya pa. "Malamang manager mo 'yon, dapat alagaan ka niya," sagot ko at pumunta sa harap ng fridge para kumuha ng bottled water. Agad naman akong nakakuha ng isa kaya lumapit ako kay Akishiro para kuhanin ang gamot na nasa kamay niya. Hindi na niya ako pinahirapan at iniabot sa akin 'yon. "He's with Carms, don't mention his name again whenever you are talking with me." Napatango na lang ako. Alaga niya rin pala si Carms. "Okay, paano ka uuwi?" Binuksan ko ang takip ng bote at iniabot sa kanya ang gamot, napangiti pa ako nang hindi ako mahirapang pihitin iyon. Samantalang kanina ayaw! "Stupid, of course I'm going to drive!" Aba! Ang kapal ng mukha neto, siya na nga tinutulungan, naninigaw pa! "Lakas mo pa, gentleman ka, eh, 'no?" sarkastiko kong saad at tinarayan siya. Nagsalubong naman ang kilay niya habang iniinom ang gamot at tubig. "Saan ka ba nakatira? Kaya mo ba mag-drive? Bakit naman kasi hindi ka pa sumabay kay Kuya Tal—" Sinamaan niya 'ko ng tingin. "Sa mga katrabaho mo, eh!" dugtong ko na lang at kinuha sa kanya ang bote ng tubig matapos niyang uminom. "I can handle myself," proud na saad niya at ngumiti pa "But you're sick." "Then take care of me." Nakangisi na siya sa akin ngayon at walang paligoy-ligoy na naghubad ng damit sa harapan ko. Lumunok ako nang maramdaman ko nanunuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung nakailang blink ang mata ko pero hindi ko pa rin maalis ang tingin sa maganda niyang katawan. He flexed his broad shoulder but I could say is that I love the view of his abs more than that. I felt my cheeks burning. "Love it?" He asked in a seductive voice. I unconsciously nodded. "Really?" dagdag niya pa at dahan-dahang umikot sa harapan ko. I gulped when I scanned his body. Sobrang puti no'n. Mas lalong nakadagdag sa kakisigan niya ang nunal niya sa may bandang leeg. Napatalon ako sa kinatatayuan nang tumunog ang cell phone ko, doon din ako natauhan. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan dahil nakatingin siya sakin, nang-aasar. "Hira," banggit ko matapos sagutin ang tawag niya, I looked at Akishiro and I saw him dress himself. I bit my lower lip to suppress a smile. Pakiramdam ko ang init pa rin ng mukha ko dahil sa ginawa niya! "Ate." Nabalot ako ng pag alala nang marinig ang umiiyak na tinig ni Hira, napaayos ako ng tayo at lumayo kay Akishiro. "Hira, anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko. Nangilid ang luha ko nang marinig ko ang malakas na hagulgol niya, wala sa sarili akong lumabas ng tent para puntahan siya pero hindi ko alam kung paano. "Ate, may pumasok sa bahay. Hindi ko kilala," sumbong niya habang hinahabol ang hininga, narinig ko ang pag tawag sa akin ni Akishiro pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglabas. "Ate natatakot ako." Tuluyan na akong napahagulgol. Hindi ko alam ang gagawin ko kung paano ako makakapunta agad sa bahay! Malamig ang hangin at dumagdag pa 'yon sa kaba na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD