"Lola, wala ka bang kakaibang napapansin kay Angela?" tanong ni Allen sa abuela niya. "Malakas ang kutob ko na may itinatago talaga 'yan sa atin, Lola." "Ano naman ang itatago niya sa atin?" "Kaya nga hindi natin alam kasi itinatago niya, eh." "Wala akong napapansin. Ay, meron pala." Napatitig siya sa abuela niya. "Ano po 'yon?" "Napapansin ko na araw-araw siyang gumaganda at sume-sexy." "Tsk! Wala talaga akong mapapala sa inyo," aniya at tahimik na sinimsim ang kape na si Angela mismo ang gumawa. "Pakiramdam ko kayo ang old version ni Angela, eh." "Aba't! Ano'ng old version na pinagsasabi mo riyan? Umayos ka, ah! "Ready na po ba kayo, Doña Lorenza?" Kumunot ang noo niya paglabas ni Angela dahil nakasuot ito ng jersey. "Tara na po?" "Yeah, I was born ready, Angela!" Tumayo ng da
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


