Kagaya ng inaasahan ay hindi nakatulog si Allen dahil mahigpit na nakayakap si Angela sa katawan niya na para bang isa itong linta. Kahit tulog na tulog na ito ay matindi pa rin ang kapit nito sa katawan niya. “Angela.” Niyugyog niya na ito. “Gumising ka na para makatulog na ako. Inaantok na ako, eh. Hindi naman siguro masamang gisingin kita lalo pa’t umaga na! Angela, wake up!” “Maaga pa.” Kulang na lang pumasok ito sa loob ng t-shirt na suot niya. “Bakit ba ang aga mong magising?” “Kagabi pa ako gising. Hindi ako nakatulog dahil napakalikot mo. Kung ano-ano kasi ang hinahawakan mo!” Inaantok itong nagmulat ng mga mata. “Ano’ng nahawakan ko? Nahawakan ko ba ang… ari mo?” “Yes,” pagsisinungaling niya kahit hindi naman. “Weh? ‘Di nga? Saan banda?” Balak pa yata nitong tingnan ang

