CHAPTER 3
AKIRA JANE DIMAANO
WHEN I WAS YOUNG, I thought falling in love was fun and a beautiful thing. But as I grow up I learn from the people around me that it is scary. It's scary to love someone. The feelings associated with it are frightening. But no matter how you stop it, you can't just ignore it like we think.
“Excuse me, Miss! Baka naman pwedeng huwag kang humara sa daraanan.”
Bago pa ako makakilos ay napasinghap na lang ako ng isang kamay ang pumulupot sa bewang ko at hinila ako palapit kay Connor. “You are blocking the way, Dear!” bulong niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Gusto ko ngayon sampalin ang sarili ko dahil parang nalulon ko na yata ang dila ko at walang salitang lumalabas sa bibig ko. Gusto ko siyang itulak palayo sa akin dahil hindi ito pwede pero wala akong lakas na gawin ‘yun at hindi nakikisama ang katawan ko. Animoy nalulunod ako sa pabango niyang nakakahilo at sumasakop sa katinuan ko ngayon.
“Kilala mo, Kira?”
Natauhan ako sa tanong na ‘yun ni Tina at buong lakas na tinulak palayo sa akin si Connor. “Hindi,” saad ko bago tinalikuran si Connor at mabilis na hinila si Tina palabas ng elevator ng bumukas ito.
Hindi ko alam kung humihinga pa ba ako habang hinihila ko si Tina pababa ng hagdan. Pero ang takot, kaba, at kung ano-ano pang salita na pwedeng idescribe sa nararamdaman ko ngayon ay hindi ko alam kung paano patigilin.
“Ayos ka lang, Kira?”
“Anong itsura ko ngayong, Tina?”
“Mukha kang nakakita ng multo,” sagot niya dahilan para mapaupo na lang ako sa gitna ng hallway at parang baliw na nagtititili. “Maganda ka pa rin naman,” pampalubag loob niya pa sa akin.
Napapailing na lang akong hinila na siya palabas at dumiretso sa paborito naming coffee shop. Habang pilit tinutuloy ang araw ko ay hindi mawala sa isip ko ang takot na mas madalas ko na siyang makikita sa lugar na ito lalo na at alam niyang dito ako nagtatrabaho.
Pagbalik sa opisina ay naging abala na ako sa mga bagong project na nakalaan sa akin. Isang oras na pahinga ang ginawa ko bago ako umire sa ON AIR dahil siguradong mapapasabak na naman ako ng daldalan dahil sa problema ng mga taong hindi ko naman kilala.
Minsan nakakapagod pero nakakatuwa at sobrang therapy din sa akin ang makinig sa mga problema nila. Sa tuwing naririnig ko ang mga kwento nila ay parang inaari ko itong akin na ako din mismo ay nasasaktan para sa kanila.
“Kira, on-air na daw!”
Kinuha ko ang jacket ko na nakasabit sa upuan ko bago naglakad papunta sa booth ko. Kailangan ko ito dahil pagdating sa loob ng booth ay sobrang lamig na. Pagpasok ko ay nandoon na ang kape na hinanda ni Tina at ang maraming love letter na para sa akin at ang isa ay ang magiging kwento ko ngayong gabi.
“Good evening, Loves! You are now listening on ON AIR!”
Noong pumasok ako sa trabahong ito ay wala akong ideya sa gagawin ko. Wala akong ideya na makakarating ako sa pwesto kung nasaan ako. Dahil sa dami ng trabahong pinasok ko noon na ilang beses hinarang ng pamilya ni Connor ay ito lang yata ang ipinaglaban ako. Kaya kahit minsan pagod na ako at gusto ko ng sumuko sa hirap ng buhay ay pilit ko silang kinapitan dahil sila na lang ang meron ako at hindi na makakahanap pa ng ipaglalaban ako sa lahat.
“Minsan kahit gaano mo kamahal ang isang tao kapag sobrang sakit na ng pagmamahal na ‘yun ay wala kang choice kung hindi ang bitawan ito,” saad ko bago pumaimbabaw ang isang malamyos na tugtog sa background.
Habang pinagmamasdan ko ang sulat na ipinadala ng isang reader ay mapait na lang akong napangiti. Siguro ay sobrang bigat at sakit na kaya nagawa niya ng bitawan ang eight years relationship nila.
“Aj, here’s the list of the comments. Read it, you’ll laugh your ass off,” Pete said as he handed me a couple of papers.
At habang binabasa ang mga comment at text messages na inipon nila ay hindi ko mapigilang matawa. Minsan talaga ang katangahan likas sa tao lalo na pagdating sa pag-ibig.
Love always makes people think twice and makes them realize how bad they are at dealing with problems and emotional breakdowns. People are always good at loving someone’s imperfection, but not their own. It feels like when it comes to themselves they only see the bad ones and left out the good ones.
“Thank you, everyone. You did great tonight,” saad ko sa kanila bago tumayo at lumabas ng booth.
“Congrats din sayo!” sigaw nila bago ako nagpaalam at bumalik sa opisina ko.
Nandoon na naghihintay ang ilang mga regalo mula sa listener ko at ilang mga sponsor brands ko. Tinulungan ako ni Tina na ilagay sa paper bag ang ibang mga regalo sa akin na iuuwi ko ang iba naman ay pinalagay ko sa pantry para magamit namin.
Nagpalit lang ako ng damit bago sinuot muli ang jacket ko at sumabay na kay Tina pababa. Ihahatid ako ni Pete papunta sa condo ko dahil sa dami ng dala ko ay wala rin akong katulong magbuhat kaya kahit gustuhin ko man na tanggihan siya ay hindi ko magawa.
“Wala ka ng nakalimutan?” baling sa akin ni Pete habang inistart ang sasakyan.
“Parang hindi naman ako papasok bukas. I can get it tomorrow.”
Malapit lang ang condo ko dito kaya hindi naman kami magtatagal sa byahe. Pero bago makauwi ay dumaan muna kami sa Chowking para kumain at syempre siya na naman ang gentleman na nagbayad ng kinain namin pati ang take out foods ko.
“Salamat.”
“See you tomorrow, then.”
Hindi ko na hinatid si Peter sa ibaba dahil napapagod na ako dahil parang naubos ang energy ko ngayon sa buong maghapon. Siguro dahil ito sa pagkikita namin ni Connor na hindi ko naman talaga inaasahan. Inaasahan ko pala pero hindi ganito kabilis.
Nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng doorbell sa unit ko. Nang buksan ko ito ay bumungad sa akin si Lori na maraming dala at malaki ang ngiti sa akin. Dali-dali siyang pumasok at mabilis na nilapag ang mga dalang pagkain sa sala at hinila ako paupo sa couch.
“What?” tanong ko ng yumukod ito sa harap ko na parang isang aso na naghihintay ng treats niya.
“Make kwento na. What happened?” malaking ngiti niyang yugyog sa braso ko.
“Lori, alas otso pa lang ng umaga. Gusto ko pang matulog.”
Napangiwi na lang ako ng hampasin niya ang balikat ko. Marami pa sana akong sasabihin pero agad akong natigil ng maamoy ang pagkain na inilabas niya. “Sayang, nagdala pa naman ako ng pagkain para sayo. Akala ko kasi kailangan mo ng lakas habang nagkukwento sa akin.”
Gustuhin ko man baliwalain ang pangtutukso niya sa akin ay hindi ko mapigilang sunod-sunod na napalunok habang nakatingin sa paborito kong pagkain. Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi kunin ang mga dala niyang silog at magkwento sa mga nangyari sa akin habang kumakain.
Kaya habang nabubusog ako sa pagkain ay nabubusog naman si Lori sa mga kinukwento ko sa kanya. Ikukwento ko rin naman sa kanya ang lahat ng ito dahil wala naman akong ibang pagkukwentuhan bukod sa kanya. Siya lang naman ang nakakaalam ng mga sikretong gusto ko ng ibaon sa limot. Mga sikretong hindi ako handang ibahagi sa mundo gaya ng mismong sarili ko.
“Anong balak mo ngayon?” tanong niya habang nakahilata sa couch ko.
“Ewan ko. May dapat ba akong gawin?” baling ko sa kanya matapos kong magligpit ng pinagkainan namin.
“Gaga! Mahal mo pa?” tanong niya dahilan para matigilan ako at saglit din nag-isip.
Mahal ko pa nga ba? Sa sampung taong lumipas ay akala ko nabaon na siya sa limot at mananatili na lang nakalipas ng buhay ko. Isang tao na minsang nagbigay sa akin ng masasayang ala-ala. Kaya hindi ko inaasahan na bigla siyang babalik ngayon sa buhay ko pagkatapos ng maraming taon at kung kailan nakausad na ako sa lugar na pinag-iwanan niya sa akin.
Habang naglilinis ako ng unit ko ay tulog na tulog naman ang bisita ko na parang sarili niyang bahay ito. Ginising niya ako ng maaga para lang makibalita sa buhay ko at ngayon ay agawan naman ako ng higaan.
“Lori, samahan mo ako maggrocery. Magbibihis lang ako.”
Gising ko sa bisita ko paglabas ko ng shower. Sinagot niya lang ako ng ungol kaya alam kong narinig niya ako. Isang oversize shirt at shorts lang ang suot ko dahil sa kabilang kanto lang naman ang grocery mart na malapit dito sa building. Kinuha ko lang ang purse ko bago hinila palabas ng unit ko ang mahal na prinsesa na nakikitulog sa unit ko.
Kanina lang ay panay niya reklamo na mag-order na lang daw kami ng pagkain. Takot talaga sa araw ang bruha kaya ayaw niyang lumabas. Pero ngayong nasa labas naman kami ay parang lahat ng daanan namin ay gusto niyang bilhan. Mabuti na lang talaga at maganda ang trabaho niya kaya malaki ang sinasahod niya, dahil kung hindi ay baka sermon pa ang abutin ni Lori sa Nanay niya dahil sa lakas niyang gumastos.
Pagdating sa grocery ay kumuha siya ng sarili niyang cart samantalang ako ay basket lang ang bitbit. Mukhang walang balak umuwi ang babaeng ito.
Abala ako sa paghahanap ng rekado para sa lulutuin ko, at paglalagay ng ibang mga frozen foods. Kailangan ko ng stocks sa ref ko dahil mukhang aaraw-arawin ako ng babaeng ito. “Lori, anong oras ka ba uuwi?” tanong ko sa kaibigan kong puno na ang cart na dala niya.
“Bakit may bisita ka ba na hindi ko dapat alam at tinatanong mo kung kailan ang uwi ko?”
“Baliw! Tinatanong ko lang para dagdagan ko ang stocks ko. Tinatamad akong lumabas para lang bumili ng kakainin mo. Gusto mo bang mag sangyup tayo mamaya? Bibili na ako ng pork and beef kumuha ka ng beer or wine kung anong gusto mo—”
“I preferred hard drinks.”
Natigil ako sa pagsabat ng kung sino sa sinasabi ko. At ng lingunin ko kung sino ito ay muntik ko ng mabitawan ang basket na hawak ko. “I-Ikaw? A-anong ginagawa mo dito?” mangha kong tanong sa kanya bago inikot ang mata sa paligid para hanapin si Lori.
“Making groceries? Am I not allowed here now?” He was amazed by my questions.
“Ewan ko sayo. Tabi nga diyan,” ingos ko bago siya hawiin paalis sa daraanan ko.
Sa pagmamadali kong makalayo kay Connor ay nakalimutan ko na ang pinabalot kong mga karne. Kaya napilitan akong bumalik dahil hindi ko pwedeng iutos kay Lori ang pagkuha ng binili ko dahil baka makita niya si Connor. Pagbalik ko ay nandoon pa rin siya na hindi ko man lang namalayan kanina.
“Oh, your back. Miss me?” nakangisi niyang tanong ng makita ako.
“In your dreams. Kuya, kunin ko na ang mga pinakilo ko,” saad ko sa meat attendant.
Inabot niya sa akin ang ilang balot ng karne na iba-iba ang hiwa. Dumaan pa ako sa isang rack para naman kumuha ng mga nakakilo ng mga beef para sa barbecue namin mamaya ni Lori. Kahit naiilang ako dahil nasa likod ko lang si Connor ay pinilit ko na lang tapusin ang dapat kong gawin. Hindi ako pwedeng magpaapekto sa kanya dahil siguradong hindi lang ngayon ang huling beses na magtatagpo kaming dalawa.
“Was it not obvious that you're in a bit of a rush?” tanong ng lalaking kanina pa nakasunod sa bawat kilos ko.
“Why do you care? Can’t you just mind your own business?”
Hindi ko mapigilang hindi maging masungit sa kanya. Sa tuwing nakikita ko siya ay talagang lumalabas ang pagiging likas kong maldita. Sa harap lang yata ni Inay ako nagiging mabait dahil tatamaan ako kung hindi.
“Ang sungit mo naman,” komento niya na pati ang mga sales staff na nasa malapit sa amin ay natawa.
“Matagal na akong masungit. Hindi ka ba na inform? Tsk! Tabi nga.”
Malakas ko siyang hinawi at lumayo na sa kanya dahil baka maging headline na kami sa grocery na ito. Mabilis ko na lang hinanap si Lori para makaalis na kami. Panay tanong pa nito kung bakit daw aalis na kami samantalang hindi pa siya tapos mamili.
“Gutom na ako,” matipid kong sagot sa kanya para tumigil siya kakatanong.
Kapag nalaman niyang nandito si Connor ay baka magfeeling close ito at makipaghuntahan pa. Mabuti na lang at walang tao ang counter kaya mabilis kaming natapos sa pagbabayad. At naglalakad na kami pabalik ng condo ng mag-umpisa siyang tuksuhin ako.
“I saw that,” kunot noo ko siyang nilingon dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. “Ang gwapo pa rin pala talaga in person ano? Minsan nga invite ko siya sa show ko,” nakangisi niyang pahayag.
Ilang minuto pa bago ko nakuha ang sinasabi niya. “Bahala ka sa buhay mo. Just don’t include me in your craziness,” ingos ko bago siya nilagpasan at nauna ng umakyat ng condo.
Naririnig ko pa ang malakas niyang tawa dahil sa reaksyon ko. Nadala na akong minsan na nagtiwala sa mga mabulaklak na mga pangako. Nadala na akong magpapasok ng tao na una palang ay hindi na dapat pumasok sa buhay ko.
Minsan kasi may mga taong mas maganda na lang manatili bilang isang ala-ala o taong dumaan sa buhay natin.