Chapter 2

2471 Words
CHAPTER 2 AKIRA JANE DIMAANO “AKIRA JANE! Bumangon ka na diyan tanghali na!” Kinapa ko ang unan ko at tinaklob sa tenga ko dahil nag-umpisa na ang alarm clock ko. Ang tanghali kay Mama ay alas siete ng umaga kaya kahit gusto mo pang matulog ay wala kang magagawa kung hindi ang bumangon. Ten pa naman ang pasok ko kaya gusto ko munang namnamin ang higaan ko dahil mamaya ay siguradong maghapon na naman akong dadaldal. My family doesn’t know what job I do. They know I am working on a radio station, but they don’t know I’m actually a DJ. A job I never expected I would do after I graduated. Pagbangon ko ay nagpalit lang ako ng running shorts at sports bra, bago ako sumampa sa treadmill. Ayokong lumabas dahil sa maraming Marites sa labas at saka lagi akong nagmamadali papasok ng trabaho kaya convenient sa akin ang nasa loob lang ng bahay nagi-exercise. “Good morning, Kira!” Napangiwi ako ng makita si Aling Irma na siyang nagwawalis sa tapat ng bahay nila. Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya. Wala na siyang sinabi na kahit ano dahil nagsilapitan na ang mga katropa niyang marites. Pagkatapos ko sa treadmill ay bumaba na ako at nagluto na ng almusal dahil si Mama naman ay abala sa kanyang maliit na tindahan. Kailangan niya ng mapaglilibangan at ito lang ang tanging paraan para hindi siya maiinip. “Ako na ang magluluto,” saad ko kay Kiro na kakapasok lang ng kusina. “Hay buti naman. Magdidilig lang ako sa likod.” Paglabas niya ay inayos ko na ang isasangag kong kanin, tuyo, itlog at kamatis. Habang nagsasangag ako ay hinihiwa ko na ang kamatis at nilagay sa isang bowl. Pagkatapos ay prinito ko na rin ang tuyo na mukhang hindi na yata mauubos sa dami ng stock namin. Minsan gusto ko ng sabihin kay Mama na ibenta na sa tindahan ang iba. Nagluto na din ako ng kapeng barako na dala ni Mama ng umuwi siya galing Batangas. Isang malaking kaserola yata ang ginawa ko dahil alam kung kahit nasa labas ang mga marites ay maaamoy pa rin nila ang ginagawa ko. “Naku, iyan pala ang naamoy kung mabango.” I can’t help but frown as I heard their comments about the coffee I brought them. Pati si Mama ay pasimple akong kinurot dahil baka daw makita ako ng mga Amiga niya. Ang aga-aga ay nakaumpok na sila sa harap ng tindahan at pinagtsi-tsismisan ang kung sino mang makita nila. Pagkatapos nilang magkape ay inaya ko na si Mama na mag-almusal dahil maaga rin akong aalis. Nagpaalam na akong sa condo ko muna ako tutuloy dahil natatakot akong baka muling magtagpo ang landas namin ni Connor. Ang lalaking naging dahilan ng pagbabago ng buhay na meron ako ngayon. Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari noon kahit pa sobrang laking pilat ang iniwan nito sa akin. At ngayon ang pilat na matagal ng hinilom ng panahon ay muling kumikirot. “Ate, bakit biglang sa Condo ka na ulit titira?” tanong ni Kiro habang kumakain kami. “Meron kasi akong mga trabaho at sa condo ang pinakamadaling uwian na hindi ko kay maaabala.” Pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay iba naman talaga ang rason ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang totoong rason ko dahil siguradong mag-aalala na naman si Mama gaya noon. “Siguraduhin mo lang na ayos ka lang doon dahil walang kang ibang kasama doon Akira Jane!” Nagkatinginan kami ni Kiro dahil sa pagtaas ng boses ni Mama. At siguradong kung nandito si Ate ay magagatungan pa ang galit nito. “Ma, twenty eight na ako. Grabi ka naman maghigpit sa akin,” reklamo ko pa sa kanya. “Aba at pinagmamalaki mo sa akin ang edad mo? Baka nakakalimutan mo ang lahat ng–” “Ma, masarap ang niluto ni Ate na tuyo. Galing kay Aling Irma ito.” “Oo nga, Ma. Kain ka na habang mainit pa.” Wala na siyang nagawa kung hindi tanggapin ang mga pagkain na inaabot namin sa kanya. Kaya pareho na lang kaming tahimik na napangiti dahil hindi na siya muling nag sermon pa kaya natapos ang almusal namin ng tahimik. Nakaayos na ang gamit ko na dadalhin ni Kiro sa unit ko. Papasok na kasi ako at magkikita pa kami Lori na kanina pa tawag ng tawag sa akin para lang siguraduhin na kikitain ko siya. Lori is the only person who knows everything about me. She knows my pain very well and every tear I shed just to get here. Now this man is crawling back into my life like a nightmare, and it’s scaring the hell out of me. “Good morning, Kira!” “Good morning din, Tina!” bati ko sa staff na madalas kong kasama. Ilan pa silang bumati sa akin habang papasok ako ng building. May mga meeting lang akong kailangang gawin at ilang segment na kailangan ako. Mamayang gabi pa ang ON AIR na programa ko kaya sa araw ay kung ano-anong pinapagawa sa akin. Papalabas na ako ng meeting room ng mapangiwi ako sa ingay na bumungad sa akin. Nang sundan ko iyon ay isang booth ang punong-puno ng mga kababaihan. Naglakad ako palapit doon at halos manlaki ang mata ko ng makita kung sino ang bisita nila. Connor… nakangiti siyang nakatingin sa DJ na nasa harap niya at sinasagot ang kung anong mga tanong sa kanya nito. Hindi ko namalayan na ang naglalakad na pala ako palayo doon at mabilis na bumalik sa opisina ko. Ngunit hindi rin ako nagtagal doon dahil biglang tumawag si Lori na nasa baba na daw siya at magkita kami sa cafe. “Anong ginagawa mo dito? Akala ko mamaya pa tayo magkikita?” tanong ko ng pagmasdan si Lori na bumaba ng kotse niya. “Wala na kasi akong ginagawa. Total hawak mo naman ang oras mo ay pwede kitang istorbohin,” nakangisi niyang sagot sa akin. Hindi na ako kumontra sa kanya dahil gusto ko rin naman bumaba at makalayo muna sa opisina. Makalayo sa lalaking kahit anong tago ko ay lagi akong nahahanap kahit gaano pa ito kalayo. Sabay kaming pumasok sa isang cafe at naghanap ng mauupoan habang si Lori naman ang nag-order ng inumin namin. Mamaya na daw kami kakain dahil gusto niya munang palipasin ang lunch break dahil baka maraming tao sa kakainan namin. “Napakinggan mo ba ang program ni DJ Aj kagabi? Grabi ang mga comment ano?” “Naku, mas tinamaan ako sa sinabi niya dun sa girl.” Pareho kaming nagkatinginan ni Lori at sabay na napangiti. Nobody knows who is DJ Aj of ON AIR. Except for the people inside my booth and some staff and Lori is the only person who knows about it. Syempre, best friend ko siya kaya hindi pwedeng hindi niya alam ang sekreto kong ‘yun. Sobrang eksklusibo ko na kahit anong palabas o guesting ay hindi pinauunlakan dahil ayokong gumawa ng daan para magtagpo kaming dalawa ni Connor. Tahimik na ang buhay ko hindi ko na nga siya naaalala bukod na lang kapag napapanood ko siya o nakikita sa mga magazine. “Edi sumabog na naman ang inbox mo dahil sa paglabas niya?” Tumango lang ako bilang sagot sa sinabi niya. Iyon naman talaga ang totoo kaya madalas ay gusto ko na lang maglaho ang pangalan niya sa mundo para pati buhay ko ay tumahimik na din. “Kaya nga halos ayokong buksan ang messages ko.” “And speaking of the devil, Kira, he is coming.” Mabilis akong napaayos ng upo at mabilis na itinakip ang bangs ko bago kinuha ang menu at hinarang sa mukha. Saglit lang siyang dumaan sa gabi ko pero nahigit ko ang paghinga ko ng maamoy ang pamilyar na pabangong madalas niyang ginagamit noon. “We need to leave now!” Imporma ko kay Lori na pasimple ring tumayo ng makalagpas si Connor sa lamesa namin. Kailangan kong makalayo dahil natatakot na ako sa bilis ng pagtatagpo naming dalawa. Natatakot na ako sa muling pagliit ng mundo ko dahil sa kanya. Ilang araw din ako bago nakampante matapos akong guluhin ng presensya ng lalaking ‘yun. At bawat araw din ay walang tigil akong kinukumusta ni Lori dahil baka mahuli daw siya sa balita ng hindi niya alam. Mabuti na lang at kahit saan ako magpunta ngayon ay hindi ko na nakikita kahit anino niya. “Kira, ikaw na!” katok sa akin ni Tina. Inayos ko lang ang tali ng buhok ko bago naglakad na palabas. Sinalubong pa ako ni Loren para ayusin ang buhok kong para daw pupugaran ng mga ibon. “Thanks, Loren.” “Hay naku, ayusin mo lagi ang sarili mo. Sikat ka nga mukha ka namang bruha tuwing mago-on air ka,” reklamo niya bago napapailing na inikot na lang ang mata. Hindi ko naman kailangan ayusin ang sarili ko lalo na at wala namang listener na nakakakita sa akin. Wala nga silang ideya sa kung sino ako at kung ano ang itsura ko. Masaya din dahil mas nagiging komportable akong makinig sa buhay ng mga tao sa paligid ko. Naupo ako sa harap ng lamesa at sinuot ang headset ko bago ginalaw ang kamay ko pataas kasabay ng pagkumpas ni Pete sa kamay niya. “Welcome to ON AIR @89.9 South Radio. This is DJ Aj and we are talking about exes. What are exes, by the way? Call me if you have answers,” basa ko sa script na binigay ni Tina kanina. Nang tingnan ko sila sa malaking salamin na nasa labas ng kinauupuan kong opisina ay sabay-sabay lang silang nagkibit balikat sa akin. Yeah, I forgot that it’s my job to give answers to these people who are listening to me, answers that even I am not sure if it was all true. Ilang kanta pa ang pinatugtog ko bago muling tinaas ang ON-AIR. Sa dami ng pagkakataon ko itong ginagawa minsan ay hindi ko na alam kung tungkol pa sa mga taong tumatawag sa akin ang topic ko o tungkol na sa sarili ko. “He left me and then now he comes back and wants me back again. I hope you can help me.” Basa ko sa huling linya ng sulat na ipinadala ng isang listener. At kasabay ng pagplay ko ng isang kanta, ay hindi ko mapigilang mapangiti na lang. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ako ng tadhana habang binabasa ang sulat na ‘yun. Gusto ko ng tanungin ang sarili ko dahil baka ako pala ang nagpadala noon ng hindi ko alam. Ang kaibahan lang naming dalawa ay hindi niya naman sinabi na gusto niya akong balikan The funny thing is he came back, but he never said he wanted me again. “Kung sinaktan ka na. Bakit mo pa babalikan? Tanong ni Angel13,” basa ko sa isang message na prinint nila Tina. “Bakit nga ba? Kailangan nga ba laging may batayan para balikan natin ang isang tao? Malay mo naman Angel, mahal niya pa.” Napapailing na lang akong napangiti ng sabay-sabay na nagsigawan ang mga tao sa booth. At talagang nag-eenjoy sila sa mga ganitong usapan. Pati ang mga listener ko ay sobrang affected lagi sa tuwing nagko-comment eh. Minsan daw hindi lahat ng bumabalik ay bumalik para muli kang pasayahin o ibalik ang kung anong meron kayo noon. Minsan bumabalik ang iba dahil sa gusto nilang ipamukha o ipakita sa mga nang-iwan o umalis na mas masaya sila ngayon. That leaving them behind makes them a better person today and makes them see what their worth is. Minsan kailangan mo din magbigay ng second chance. Hindi mo naman malalaman kung worth it kung hindi mo sinubukan. -Pusong Umaasa Kung masyadong masakit bitawan mo na. -Art Mas masakit masaktan sa pangalawang pagkakataon. -Miss Sexy Ilan lang ‘yun sa mga comments na binabasa ko. At lahat yun ay hindi para sa akin, pero para akong sinusuntok sa bawat salitang nababasa ko. Minsan talaga parang gusto ko ng magresign kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho. Isang tugtog pa ang pinatugtog ko bago ako nagbigay ng payo kay Angel13. At lahat sila pati ang mga tao sa booth ay nakaabang sa kung ano ang sasabihin ko. Pati si Lori ay walang tigil kaka message sa akin dahil dalang-dala na daw siya sa pakikinig sa akin. “Minsan kahit anong sabihin naming tama sayo ay hindi natin masasabi kung iyon din ang pananaw mo. Tama sila hindi mo masasabi kung tama ang magiging desisyon mo hanggat hindi mo sinusubukan. But it doesn’t mean you need to take him back. Go out on a date, spend a day or a night with him until your heart knows what to say. Sometimes words can’t really explain all the things we want to say, just be yourself. At the end of the day, your heart and you always matter. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang mga salitang ‘yun, pero sana nga kung sino man siya ay makatulong ang mga sinabi ko. At pagpalit ng green na ilaw sa pula, ay malalim na lang akong napabuntong hininga. Somehow, my words really hit something inside me too. Nagpahinga lang ako saglit sa opisina ko bago kinuha ang bag ko at lumabas. Gusto ko ng umuwi dahil parang pagod na pagod ako sa dami ng nangyari sa araw ko ngayon. Idagdag pa ang sulat na ‘yun na parang inubos yata ang lahat ng lakas ko. “Pete…” gulat kong usal ng bigla siyang humarang sa daraanan ko. “Hatid na kita.” Tatanggi sana ako pero ng makita ko sila Tina ay napapangiti na lang akong kinawayan sila. “Ihahatid daw tayo ni Sir Pete.” Nang lingunin ko si Pete ay napapakamot na lang ito sa ulo dahil wala na siyang nagawa. Nagkukuwentuhan kami pababa dahil sa entrance na maghihintay si Pete sa amin. Halos hindi na ako makahinga kakatawa sa mga kwento ni Tina dahil daw sa dami ng kalokohan na mga messages na dumating kanina. Habang nakatutok sa kanya ang atensyon ko sa kanya habang papasok ng elevator ay hindi ko namalayan na meron na palang taong nasa loob noon kung hindi pa ako bumangga dito. “Sorry…” saad ko ng saglit siyang balingan bago muling hinarap si Tina at ibang mga kasama ko. And while listening to Tina, my eyes wandered to the door, reflecting me and the person behind me. At sa gulat ko ay bitawan ko na lang ang bag na hawak ko habang nanlalaki ang mata at awang ang mga labi akong nakatingin sa kanya. “Connor…” pabulong na usal ko pero sapat lang para marinig niya. “Found you!” he said with a smile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD