"Alam mo kung ice cream lang yan si Kenzo kanina ko pa inagaw sayo! Para ka nang tanga kakatitig sa crush mong hindi ka naman pinapansin."
Hindi pinansin ni Ada ang sinabi ng atribida niyang kaibigan na si Jennie. Wala siyang balak kumurap dahil baka biglang mag-teleport ang araw-araw niyang pinapangarap. The one and only love of her life, Kenzo Alleje - a cold-hearted guy in their class. Ang Top 1 sa buong Campus at nag-iisang anak ng mag-asawang Ramon Alleje and Isabel Rivera Alleje, the owner of one of the famous Cargo Ship in Philippines, the KZ Ferry. Sikat ang KZ Ferry hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa buong Asya. At sa sobrang yaman ng pamilya nito, ikaw nalang ang bahalang malula. If you're not belong to their world, then just stay what you are dahil hindi ka nito pag-aaksayahan ng oras.
"Hoy! Mahiya ka naman yung laway mo tumutulo na."
Napa-aray si Adalynne ng biglang may parang tumusok na karayom sa bunbunan niya. Agad niyang kinamot iyon at tiningnan ng masama ang kaibigan na hawak-hawak pa ang dalawang hibla ng kaniyang buhok.
"Buwisit ka!"
"Sa wakas nagising ka rin!" pumalakpak pa ito bago tinapik ang hita niyang nakaharang sa inuupuan nito.
"Maaga pa para managinip uy! Tigilan mo na iyang kakapantasya mo sa alien na yon! Wala ka rin namang mapapala sa kakatingin mo sa kaniya."
"Inaano ka ba ni Kenzo ko, ha?"
"At kelan pa siya naging sayo? Baka nga pangalan mo hindi niya alam!"
Matagal na niyang kaibigan si Jennie. Bukod kasi sa pagka-kaibigan ay mag-pinsan din sila. Sabay silang lumaki at sabay natutong magbasa at magsulat. Sabi nga ng iba, they are twins. Kaya kahit ano pang ugali nila, masama o mabuti ay sila lang din ang nakakaintindi. They are like sisters and yet, partners in crime. Ewan ba niya kung bakit sabay nag-buntis ang Nanay at Tita niya. Nauna lang ng isang buwan ang pagluwal kay Jennie kaya kahit papano ay ginagalang nya ito. Anyway, She's still the eldest. Kahit minsan nakaka-bwesit ang pinsan niya.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa lalaking nagbabasa ng libro sa di kalayuan.
"Hay ..ang pogi talaga ng my loves ko." bulong niya na itinanggi naman ng katabi.
"Pogi na yan sayo? Iyang mukha na parang pasan lahat ng problema sa mundo?"
"Paano naging pasan niya ang problema ng mundo? Can't you see, iyan ang mukhang walang problema my dearest cousin! He's perfect!" sabay pangalumbaba niya at nagsimulang mag-imagine na kasama ang lalaki sa napaka-gandang paraiso. Baliw na siya kung baliw pero malakas ang tama niya kay Kenzo. Then and Now!
"Well, magkaiba tayo ng version ng gwapo. Ayoko sa kaniya dahil wala siyang pakialam sa paligid niya. Napaka-cold niya pa!"
"Hindi po kasi lahat ng tao kayang i-please. At hindi din lahat ng kakilala mo, kaibigan mo, kapamilya o kapuso mo ay totoo! Reality kumbaga! Madami ang kumakalat na plastic sa panahon ngayon and beware of them. Mas mainam nang makilala mo siya kung sino talaga siya at hindi yung nagpapanggap lang. Okay?"
Sa haba ng sinabi niya kahit siya ay hindi malaman kung ano ang pinaglalaban. As if naman na may pakialam ang pinsan niya sa opinyon nya eh no? E numero unong judgemental ito.
"He was nothing but a rich spoiled guy for me! Huwag mo nang ipagtanggol dahil kahit kailan hindi ka niyan pasa-salamatan. Dinaig mo pa ang Presidente ng Fanclub niyang walang kwenta!"
Tiningnan niya ng masama ang pinsan.
"Madami ka nang masamang sinasabi against kay Kenzo sa araw na to ah! Huwag mong madamay-damay yung tao sa galit mo kina Tita."
Sumimangot ito bigla. Bago kasi sila umalis ng bahay narinig niya ang pagtatalo ng mga magulang ni Jennie kaya hindi nakapag-tataka ang pagiging badmood ng pinsan niya.
"Let's go somewhere after class." yakag nito.
"Ayoko nga. May group study kami. Ayokong palampasin ang pagkakataong makasama si Kenzo ko no!" tila siya bangag na nakalutang sa hangin habang iniisip ang mangyayari mamaya sa bahay ng lalaki.
Bahay-bakasyunan to be exact. Hindi naman kasi nito kasama ang mga magulang dahil sa Manila ang mga ito nakapirme. Tanging ang katulong ng mga ito ang kasama ng kaniyang irog sa bahay nitong napaka-laki at mala-cathedral sa ganda. Paano niya nalaman iyon? Well, naibalita lang naman iyon sa TV noong mga panahong namamayagpag ang Cargo Business ng mga ito sa Pilipinas. Doon niya nga unang nakita ang cute na cute na si Kenzo Alleje. Alright, bata pa sya noon kaya wala pa siyang ideya patungkol sa crush na sinasabi. She just realized it when she turned 14 years of existence. At kay Kenzo lang niya iyon naramdaman.
"So mas importante pa ang lalaking yon kesa sakin na kadugo at kadikit-pusod mo?"
"Oo. And for your information Jennie Anne, mas importante ang grades ko at walang kinalaman si Kenzo doon! Mahal lang talaga ako ni Kuya God kaya niya ako binigyan ng pa-bonus. Early Christmas gift daw kaya wag ka nang kontrabida diyan! Magpaka-bait ka na lang at suportahan mo ko!"
"Adalyynnnnn!!" halos mabingi siya nang isigaw nito ang pangalan niya malapit sa kaniyang tenga. Dali-dali niyang gustong sampalin ang babae ngunit pagpihit niya dito ay saka naman ito lumayas. Hindi na tuloy siya nakaganti sa pinsan niyang inaabot na naman ng delubyo.
"Adalynne Salazar?"
Feeling niya tumigil ang pag-ikot ng kaniyang mundo nang marinig ang boses na tumawag sa pangalan niya. Hindi sya maaaring magkamali dahil kilalang-kilala niya ang buong pagkatao nito. 'Teka..siya ba talaga ang tinatawag nito?'. Bakit parang hindi naman ito sigurado?
"Adalynne?" ulit nito sa pangalan niya.
Nilingon niya ang lalaking namamahay sa puso at isipan niya. Hindi niya napansin na nakalapit na pala ito.
"Yes? May kailangan ka?" aniya in a sweet and gentle way. 'Landi mo Ada!'
"You're Adalynne?"
'Anak ng tokwa naman! Really?'
"Yes. I'm Adalynne Salazar at your service." sabay lahad ng kaniyang palad na ikina-kunot-noo naman ng guwapong mukha nito.
'Hoy Adalynne umayos ka! Puro ka papuri sa kaniya eh hindi ka naman kilala.!'
Oo nga. Nagbubunyagi na sana sa kasiyahan ang kaloob-looban nya dahil napansin siya ni nito pero bakit naman ganoon? Ilang buwan nalang magtatapos na yung klase pero hindi pa ito sigurado kung sino si Adalynne? Talaga bang mataas ang IQ nitong sinisinta nya?
Walang emosyon nitong inabot sa kaniya ang librong hawak.
"Anong gagawin ko dyan?" nagtataka niyang tanong sa lalaki. Hindi naman siguro nito ipapabasa sa kaniya ang buong pahina di ba? Walang normal na tao ang makakagawa nun sa loob ng isang araw. Tumaas naman ng bahagya ang makapal nitong kilay nang hindi niya kinuha mula dito ang libro.
'Hayy nako.. kung hindi lang kita mahal matagal ko ng inahit iyang kilay mo!'
"Open it."
Dahan-dahan niyang sinunod ang sinabi nito but he quickly turned the pages one by one hanggang sa nakita nito ang hinahanap. Napanganga na lang siya at di makapaniwala sa nabasa. It was a short confession letter na nakasulat sa isang pahina ng libro. Napalunok siya at humugot ng isang malalim na buntong-hininga bago pekeng ngumiti na tumingala dito.Ilang taon niyang iningatan na itago ang paghanga niya dito kaya wala siyang ideya kung bakit nasa libro iyon.
'Kenzo Alleje, I love you.' Iyon ang nakasulat sa lintek na Integrated Science book na yon at sa ibaba ay naka-imprinta ang buo niyang pangalan with bold letters pa.
"S-sayo ang librong 'to?" walang kwenta niyang tanong.
"Hindi. Hiniram ko sa Library."
Tiniklop niya iyon at ibinalik dito. "Wala akong alam diyan. Hindi ko gawain ang ganiyang mga bagay kaya wag mo akong tignan na para bang ginusto ko ang nakasulat dyan!"
"Really? What's your name again?"
"Sorry, nakalimutan ko naiwan ko yata sa bahay." pabalang niyang sagot.
Malakas nitong ibinagsak ang libro sa table niya. He looked like he wants to eat her alive. 'Go! Eat me.' pang-bubugaw ng malandi niyang isip.
"Nakalimutan mo? Then go home and bring it to me!" malakas nitong nasabi iyon sa kaniya kaya lahat ng naroon niyang kaklase ay napatingin na sa kanila. She bite her lower lip. Bakit ba kasi nakasulat iyon sa libro?
"I never did that. I swear." wika niya na itinaas pa ang kanang kamay.
"And do you expect me to believe that?"
'E di wag mo!'
Nasaan na ba kasi si Jennie? Bakit kung kailan niya ito kailangan saka naman ito wala?
'Haysss..nakakainis! Wala ka nang kawala sa kalandian mo Ada. Nalaman na niya kaya wala ka nang magagawa!'
Kenzo was staring at her. Pero hindi sa gustong paraan ni Ada. The guy looked at her just like a victim in a crime scene. Ganoon kagalit ang itsura nito. So weird, kahit galit ito mukha parin itong anghel na pinarusahan ng langit kaya ito bumaba ng lupa.
"Satisfied in viewing? Baka naman pwedeng i-share mo sakin kung saan kana nakarating?"
Nakangiwing bumalik sa katinuan si Ada.
"Ano ba kasi ang problema sa nakasulat dyan? Malinaw naman ah!"
"Wow! And you're proud to that?" tila hindi makapaniwala ang reaksyon nito ng sabihin niya iyon. "Imbes mag-aral kung anu-ano ang inaatupag mo." halos pabulong nitong sabi pero malinaw iyon sa pandinig niya.
Bigla tuloy siyang nainis dahil doon.
"Yes. I like you. Then so what? Kasalanan ba yon?" Naghiyawan naman ang kaniyang mga kaklase sa lakas-loob niyang pag-amin dito. But when she saw him, kulang nalang itapon siya nito sa labas ng classroom.
"Masama bang magkagusto sayo? Or hindi ba ko pwedeng magkagusto sayo?"
'Ow c'mon Ada, alam mo naman ang sagot sa tanong mo. Simula't sapol hindi ka dapat nagkagusto sa kaniya! Bakit ba kasi ang kulit ng lahi mo?'
"You're out of your mind. Kababae mo pa namang tao."
"Of course not. May batas ba na nagsasabi na bawal magkagusto ang babae sa lalaki? And besides, hindi kita pipilitin na gustuhin ako, okay? Kaya wag kang umasta na parang dehado ka dyan! Magpa-salamat ka pa nga dahil gusto kita eh." Hiyaw at palakpakan ang naging sagot ng mga kaklase nila. Tumayo pa siya at nag-bow sa mga ito. "Salamat guys." wika nya.
Bakit ba kasi ganito ito umasta? Sa pagkakaalam niya, maraming babae ang nangangarap dito kaya for sure maraming love letters na din ang natanggap at nabasa nito. Anong pinagkaiba nun sa nakasulat sa libro?
"Ada! Ada! Ada!" duet ng mga kaklase. Dahil sa ingay tila narinig iyon ng kabilang section dahil nakita niya ang pagsilip ng maraming estudyante sa bintana nila. Umupo siya at kinuha ang kaniyang bag. Bigla ay gusto niyang lamunin na lamang siya ng lupa dahil sa kahihiyang pinag-sasabi.
"O san ka pupunta?" Biglang pigil ni Kenzo sa kaniyang braso nang akmain niyang humakbang palabas ng silid.
"You're not going anywhere!" bulong nito. Hinila ng lalaki ang isang upuan at itinabi iyon sa silya niya. Pinaupo siya nito at tinabihan.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya. Kinuha kasi nito ang bag ng pinsan niya at isinabit sa likod ng upuan.
"Ano pa? Eh di nagpapa-salamat sayo. And this is the way of me for thanking someone."
"It's not like you. Huwag kang magpanggap dahil wala sa itsura mo ang ugaling 'thoughtful'. At isa pa, upuan ng kaibigan ko yan! Dun ka sa pwesto mo." Inis-inisan na sabi niya pero deep inside, kinikilig siya sa isiping tatabi ito sa kaniya.
"So? Babawiin mo na ba ang sinabi mo na dapat akong mag-pasalamat sayo dahil gusto mo ko?"
'He teased me!' sigurado siya na pinag-ti-tripan siya ng lalaki.
Kenzo is a very silent guy. Hindi niya pa ito nakitang nakipag-sabayan sa kalokohan ni minsan. Kahit nga makipag-biruan dito ay suntok sa buwan na mangyari. He always keep himself busy with his own friends - mga libro na hindi nito binibitiwan. Baka nga sa bahay nito may library dahil sa sobrang attached ito sa libro.
"Wow Ada! Sinasagot ka na ni Kenzo." tukso sa kaniya ng isa nilang kaklase. Tiningnan niya lang ito ng, 'batuhin kaya kita diyan!' look bago muling binalingan ang ngiti-ngiting katabi.
"Happy?" Nagsitayuan ang mga balahibo niya dahil sa lapit ng mukha nito sa kaniya. Naamoy din niya ang pabango nito na lalong ikinabaliw ng puso niya. 'Shit.'
"Relax Ada. I'm not going to eat you. Starting today, I will be your seatmate for a whole class year. Ayoko namang grumadweyt nang may utang."
"Anong nangyayari dito?" biglang dating ni Jennie! Nakapa-meywang pa ito na tila umaastang Nanay nya. Pinandilatan niya lang ito ng mga mata. Hindi na niya kailangan mag-isip kung sino ang nag-traidor sa kaniya dahil nasa harapan na niya mismo.
"What?" Taas kilay nitong tanong at naghihintay ng paliwanag nya sa kung anumang nangyayari.
"Who are you?"
Gusto niyang matawa sa reaksyon ng pinsan.Alam niya kasi na nagpipigil itong upakan sa mukha ang walang kamalay-malay na lalaki. 'Buti nga sayo!'
"Ako lang naman ang may-ari ng inuupuan mo."
"I can't see your name here."
"Aba talaga naman..."
"Let's change our seat."
Nagkibit-balikat na lang sya habang nakikinig sa dalawa. Mamaya na lamang sya mag-papaliwanag sa nagtatanong niyang kaibigan. Ito naman ang dahilan kung bakit siya nalagay sa sitwasyon na iyon kaya dapat lang na maghintay ito na kausapin nya.
Ang akala niya ay magpupumilit pa si Jennie na paalisin si Kenzo, ilang minuto din kasi ang hinintay nito pero sumuko din sa huli. Walang itong nagawa kundi kunin ang bag na nakasabit sa upuan at padabog na umalis sa harapan nila. Alam niyang masama siyang pinsan dahil sa ginawa niyang pangba-balewala pero alam naman siguro nito na kahit sino naman ay hindi kakayanin ang isang KENZO ALLEJE!
"Please stop this childish mess! Kung inaalala mo ang nakasulat dyan sa libro wag kang mag-alala dahil kayang mabura yan!"
"Childish? So ano ang tawag mo dyan sa ginawa niyong pagsusulat ng kung ano-ano sa libro? Hindi ba gawain ng bata yan?"
Kinuha niya ang libro na hawak nito at kumuha ng ballpen and scotch tape sa kaniyang bag. Maingat niyang idinikit ang tape sa nakasulat at pagkatapos ay ginaya ang mga letrang ginagawang big-deal ng katabi.
"What are you doing?"
"Inaayos ang problema." Dahan-dahan niyang inalis ang nakadikit na scotch tape para hindi iyon mapunit. "Done!"
"Where did you learn something like that?" tila na-amaze naman ito sa ginawa niya. Natawa sya sa reaksyon nito nang balingan niya.
"Akala ko ba brainy ka? Simpleng problem solving lang hindi mo alam?" patutsada nya kay Kenzo.
"That was a nice try. Do it again!"
"Sige gagawin ko ulit but in one condition.
"What?"
"Go back to your seat."
Kinuha nito ang libro sa kaniya at inilagay sa sariling bag. "Nevermind."
***
Halos kalahating oras nang naghihintay si Ada sa mga kaklase para sa kanilang group study sa Biology. Naiinis na siya dahil kanina pa kumakalam ang kaniyang sikmura. Usapan kasi nila na magkita-kita sa library para sa kailanganin nilang libro. Pero heto nga at sa sobrang excited na makita si Kenzo ay hindi na sya umuwi para kumain ng hapunan. Ganoon siya kabaliw sa lalaki. She's one of the kind, ika nga ng kaibigan niyang nagmamaktol parin dahil sa hindi nya pagsama dito.
'Nasan na ba kasi mga yon? Kenzo my loves where the hell are you?' Tiningnan niya ang cellphone para i-check kung may message ang mga ito but she saw nothing.
'Tawagan ko kaya?' Napailing sya. 'No.' Sangkatutak na pang-aasar ang aabutin niya kapag ginawa nya iyon. Muli niyang itinuon ang pansin sa binabasa ngunit ilang minuto lang ay nilamon na siya ng antok.
Napapitlag si Ada sa malakas na tunog ng kaniyang cellphone. Nakatulog na pala sya. Dali-dali niyang sinagot iyon nang makita ang pangalan ng Nanay nya sa screen. "Ma?"
"Bakit hindi ka pa umuuwi? Anong oras ng ah.. kanina pa uwian nyo!" bahagya niyang inilayo ang cellphone sa tenga dahil sa lakas ng boses nito. Napakamot siya sa ulo nang i-check ang oras sa wall ng Library.
'Alas otso na?'
"Pauwi na din ako Ma. Nandito po ako sa library may tinapos lang."
'Mapapatay ka ng Nanay mo sa ginagawa mo Ada.'
"Paano kang makakauwi kung ganito kalakas ang ulan?"
"Umuulan?" Nakagat niya ang mga labi nang bigla na namang umarangkada ang timbre ng boses nito. "Mama naman yung boses mo po. Kaya nabibingi yung anak mo dahil diyan sa boses mo eh."
"Umayos kang bata ka! Umuwi kana pagtila ng ulan!" sabay patay nito ng tawag.
'Hay.. minsan talaga may pagka-taklesa itong Nanay nya eh. Akala mo naman laging nanghahamon ng away. But wait, paano siyang uuwi wala naman siyang dalang payong? Sa lakas ng ulan malabong titila agad iyon. Yung mga magagaling niyang kaklase hindi man lang nakaalalang tumawag sa kaniya? So, sya lang ba ang may interes sa Life cycle of cells? 'Ni ha, ni ho' wala?
'Matawagan nga yung baklang yon!' tukoy niya kay Vince na nag-organized ng group study nila.
"Hoy Vicente Cruz!! Kanina pa ko naghihintay sa inyo mga wala kayong puso!" agad niyang bungad ng sagutin nito ang tawag niya.
"Ano bang meron bruha? Yung boses mo pwede pahinaan? Mababasag yung eardrum ko." maarte nitong sagot.
"Aba..nagtatanong ka pa talaga kung anong meron ha? Hindi ba may usapan tayo na group study ngayon? Anong oras na oh..inabot na ko ng ulan kakahintay sa inyo."
"Anong group study? Hindi naman tayo tuloy ah."
"What?"
"Nako girl, baka nakalimutan ni fafa Kenzo sabihin sayo. "
Sa sobrang inis pinatay niya ang tawag at agad isinauli ang libro sa shelves. Pinigil ni Ada na hindi maiyak sa nangyari sa kaniya. Ipinasya na lamang niyang lumabas ng library dahil magsasara na din iyon.
'I have no choice.' Wala na siyang masisilungan. Handa na siya para sugurin ang malakas na ulan nang may biglang pumigil sa kaniyang braso.
"Magka-kapera ang doctor kapag itinuloy mo ang balak mo miss."
Napatingin siya sa nagsalita. Isang matangkad na lalaki iyon.
"Itutuloy mo pa ba?"
"Wala naman akong choice eh. Baka abutin ako dito ng umaga kapag inantay kong tumila yan!" Nakataas lang ang kilay nya habang pinalipat-lipat ang tingin sa mukha ng lalaki at sa braso nya na hawak nito. Agad naman nitong binitiwan iyon nang mapansin ang masama niyang tingin.
'Feeling close? Tsskk..si Kenzo my loves lang ang pwedeng humawak sa braso ko!' But speaking of him, break na muna sila ngayon dahil sa nakalimutan siya nito.
"Gusto mong ihatid kita sa bahay nyo?"
Pinagmasadan niyang mabuti ang lalaki. Hindi nya maaninag ang mukha nito dahil madilim sa parteng kinatatayuan nila pero sigurado siyang hindi ito estudyante. Mukha itong College Student at Basketball player na napadpad sa school nila pero imposible din naman iyon dahil walang University sa lugar nila.
"Kung may iba kang binabalak huwag mo na pong ituloy. Malapit lang ang police station dito."
"Hindi po ako masamang tao. Kung iniisip mong gawan kita ng masama nagkakamali ka. I just want to help." Depensa agad nito sa sarili. Napailing na lamang sya at muling itinuon ang pansin sa lalong lumalakas na ulan.
"Lahat naman ng mga modus ganyan yung sinasabi." Narinig niyang tumawa ito.
"Bakit ka natatawa? Dahil tama ako diba?"
"Hmmm..you have a point. Pero hindi talaga ako masamang tao. And, wala akong interes sa mga highschool student na katulad mo."
Tinaasan nya ito ng kilay. May pagka-mayabang din pala ang isang ito.
"Okay ganito na lang, you can borrow my umbrella at isauli mo nalang dito bukas. How about that?"
"Kapag pinahiram mo sakin yung payong mo paano ka naman?"
Ngumiti lang ito at inabot sa kaniya ang payong. "May sasakyan ako. Mas kailangan mo nito. At gusto kong patunayan sayo na hindi ako masamang tao kagaya ng mga modus na sinasabi mo."
"Sigurado po kayo?" Tumango naman ito. Nag-aalangan pa din sya pero mas mainam iyon kesa ihatid sya diba? At isa pa, nag-we-welga na talaga ang mga alaga nya sa tyan.
'Bahala na nga! Mukha naman itong seryoso.'
"Maraming salamat po dito sa payong kuya. Isasauli ko nalang po dito bukas." aniya. Tinapik lang sya ng marahan nito sa balikat at pagkatapos ay nauna nang umalis.
Kibit-balikat at buntong-hininga na tinanaw ni Ada ang tumatakbong lalaki patungo sa isang sasakyan. Nang magsimulang umandar iyon ay sumilip pa ito sa kaniya at kumaway.
Napangiti siya ng lihim.
'And now it's your turn to go home. Masyado nang mahaba ang inaksaya mong oras sa araw na to!'