Chapter 2

3237 Words
"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala." pukaw ni Ada sa babaeng nagtatampo parin hanggang ngayon. Hindi niya nakasabay pumasok si Jennie dahil maaga daw itong umalis ayon sa Tita Nonie niya. Napabuntong-hininga na lamang sya nang hindi man lamang ito sumulyap sa kaniya, umupo siya sa tabi nito at inabot ang paboritong chocolate bar. Nakaramdam siya ng konsensiya. Mas pinili niya kasi ang Research Study na wala naman palang kwenta kesa ang pagdamay sa kaibigan niya. Ni hindi niya nga tinanong kung anong problema nito sa bahay. She's so selfish. Wala siyang ibang inisip kundi si Kenzo. "Nagtatampo na yong chocolate sayo. Gusto lang naman niyang mapasaya ka." aniya na pinalungkot ang boses. Napangiti siya nang walang sabi-sabing tinanggap nito iyon at binuksan. 'Hayy..sa wakas Ada!' Ganoon kadaling suyuin si Jennie. Isang Goya lang ang katapat! "Anong meron sa inyo nung alien na yon?" tanong nito pagkatapos ubusin ang kinakain. Nilantakan pa nito ang nakadikit na chocolate sa plastic. "Nalaman na niyang gusto ko sya!" "Sinabi mo? Akala ko ba ililihim mo iyon hanggang sa hukay?" "Iyon na nga sana eh. Kung hindi lang dahil sa kawalang-magawa mo hindi nya malalaman." Tinaasan sya nito ng kilay. "Bakit ako?" "Wag ka ng magkunwari dyan! Alam kong ikaw ang nagsulat nun sa libro." "Anong libro?" Napailing na lang sya. Expected na niyang ide-deny nito iyon dahil ganoon ang ugali ng babae. Kunwari walang alam. Paiinitin muna nito ang ulo niya bago aamin sa ginawang krimen. "Huwag ka nang patay-malisya diyan! Dahil sayo napansin ako ng Crush ko kaya thank you na din. Napaka-supportive mong pinsan." "Wala akong alam sa sinasabi mo. Huwag mo nga akong idamay diyan sa kalokohan niyo!" "Sige lang mag-deny ka pa! Akala mo ba walang karma? Huwag mo ng antaying magka-pigsa sa pwet." Tumawa naman ito at nag-peace-sign sa kaniya. Sinasabi na nga ba eh! Walang ibang gagawa niyon kundi ang napaka-galing niyang kaibigan. Pero bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng libro sa library iyon pa napaling basahin ng irog niya? "O anong sabi nya sayo? Bakit may patabi-tabi na kayo sa upuan?" "Ewan ko. Baka gusto nya din ako." Pinitik nito ang kaniyang ilong. "Nag-uumpisa kana naman!" "Eh hindi ko kasi alam kung anong drama nun! Bakit siya tatabi sakin kung wala siyang gusto diba? Dapat nga lumayo sya sakin eh.." "Asa pa more! Nakakasama sa puso iyan kaya itigil mo na ang pag-iisip ng imposible." "Walang imposible sa taong pursigido!" "So umaasa ka nga? Pinakilig ka lang ng konti nakalimutan mo na kung sino siya. If I know, inaasar ka lang nun dahil sa ginawa ko." "Well, napaka-sarap niyang mang-asar kung ganun." Napabuntong-hininga siya ng maalala ang kasalanan nito kagabi. Kung sinadya nito na huwag sabihin sa kaniya malamang na hindi iyon nakakatawa. Paano na lang kung walang matangkad na lalaking nagpahiram ng payong sa kaniya? Paano kung may nangyaring masama sa kaniya sa labas? Paano kung na-r**e siya ng mga tambay? O di Kaya nakidnap ng mga nangunguha ng lamang-loob? 'OA kana Ada!' Ah basta hindi nakakatuwa iyon! "Anong oras ka nakauwi kahapon? Hinanap ka sakin ni Tita ang sabi ko lang may group study ka. But I'm not sure kasi hindi naman daw kayo natuloy!" Nangunot ang kaniyang noo sa sinabi nito. "Kanino mo nalaman na hindi natuloy ang group study namin?" "Kay Kenzo. Nakita ko sya sa Mall kahapon. May kasama siyang cute na babae." 'So hindi talaga nito nakalimutan?' "So bakit di nga kayo natuloy?" muli nitong tanong sa kaniya. Kinuha niya ang bag at itinakip iyon sa mukha. Napaiyak sya sa nalaman. "Hoy! Anyare sayo?" Kinuha nito ang bag at niyakap sya. "Mas maganda ka dun sa babae Kaya wag ka nang umiyak! Actually, hindi naman talaga sya maganda. Hmmm.. mas lamang ka pa din ng maraming ligo." Kung hindi lang sersoyo yung nararamdaman niyang inis, nakutusan na niya ito. "Tumahan ka nga!" wika pa ni Jennie habang tinatapik-tapik siya nito sa likod. Hindi nya akalain na magagawa ni Kenzo iyon dahil kapag usapang pag-aaral ay nangunguna ang lalaki. Ayaw nito nang may na-aaksayang oras at hindi niya pa ito nakitaan na may kasamang babae. So, what is it? Ganoon ba ka-importante dito ang kasama kaya hindi ito tumuloy sa Group Study nila? "Dapat sayo nalang ako sumama kagabi eh." aniya. "Eh di sana hindi ako nag-hintay ng napaka-tagal sa library. Bakit kasi hindi mo ko tinawagan?" "Teka nga... pinag-antay ka nila?" Kumawala ito sa pagkaka-yakap at seryosong humarap sa kaniya. "Late ko na nalaman na cancel pala. Nakatulog ako sa library kaya past eight na ko nakauwi ng bahay." "Oh my!! Siraulong alien yun ah.." nagpupuyos sa inis na wika nito. "Okay lang. Nakauwi naman ako ng safe eh." "Anong okay lang? Baliw ka ba? Paano kung napahamak ka kagabi okay lang yun sayo? Alam mo, hindi na nakakatuwa yung pagka-baliw mo sa mokong na yun eh!" "Baka nakalimutan niya lang." 'Wow Ada! Pinagtanggol mo pa talaga?' bulyaw niya sa sarili. Wala naman na siyang magagawa dahil nangyari na. But then, she was hoping na hindi nito sinadya iyon. "Oo talaga! Nakalimutan niya dahil dun sa babaeng pinag-shopping niya." "Aray naman!" "Tigilan mo na yang Kenzo na yan kundi isusumbong na talaga kita kay Tita." Wala nang nagawa si Ada kundi tumahimik. She knew her cousin very well. Minsan lang nito isinasali ang mga magulang nila sa mga bagay na silang dalawa lang ang nakakaalam. Lalo na at usaping puso iyon! Bawal pa silang magkaroon ng boyfriend. Iyon ang kasalanan na hindi palalampasin ng mga ito. Still, she really like Kenzo. Ilang beses niyang pinigilan nuon ang sarili na huwag tignan o sulyapan ang lalaki but she ended up staring at him. Kaya nga nalaman ng kaniyang pinsan dahil sa isang beses sya nitong nahuling nakatitig dito. Nangako naman ito na hindi magsusumbong sa mga magulang nya dahil nag-promise din siyang wala sa isip nya ang pagnonobyo. Na si Kenzo ay crush nya lang at ililihim niya iyon hanggang sa 'hukay' na gawa-gawa niya lang. Hindi naman kasi niya inaasahan na ma-iinlove ng tuluyan sa Genius nilang kaklase. "Malapit na tayong grumaduate ng high school Ada, so please pigilan mo na iyang feelings mo kay Kenzo. If you still like him after we graduate in College, I swear hindi na kita pipigilan. Tutulungan pa kitang gayumahin ang mokong na yon! For now, huwag mong kalilimutan ang promise natin kina Tita. Okay?" nakiki-usap nitong wika sa kaniya. OA man ang dating nun sa kanila pero para kasi sa mga magulang, tanging love life lang ang malaking balakid sa kanilang pag-aaral. And they sincerely understand where it came from dahil iyon ang naging karanasan ng mga Nanay nila. They don't want to repeat their mistakes twice from her and Jennie. At ayaw ng mga ito na danasin nila ang hirap ng buhay na kasalikuyang mayroon sila ngayon. 'So wala talaga kaming pag-asa ni Kenzo.' Kahit anong pang sabihin niya wala paring mangyayari dahil hindi talaga pwede. Dapat niya ng burahin sa isip at puso niya ang lalaki bago pa kainin ng mabangis na mikrobyo ang buo niyang sistema. 'I had to. And I can do it.' Kakalimutan niya na lamang ang nangyari kagabi. The less she ignored the situation, the high of chances she avoid the feelings. "Sure ka ba na kaya mo siyang i-resist?" tukoy ni Jennie kay Kenzo. Pabalik na sila ng classroom nang mapag-usapan ang tungkol sa instant seatmate nila ng lalaki. "Sabi mo nga diba na pigilan ko na? I will do my best to ignore him." aniya. Alam niya sa sarili na mahirap iyon pangatawanan pero susubukan niya parin. Choices is not on her side now! Sasabayan niya ang pag-agos ng buhay pero sisikapin niyang umiwas para hindi masaktan. *** "Good morning class." Napatayo silang lahat nang pumasok ang Head Teacher nilang si Mrs. Navarro. "Good morning Ma'am." sabay nilang bati dito. "May absent ba?" Everyday routine nito ang pagtatanong niyon instead of a roll call. Tinitignan lamang nito kung may bakante na silya sa buong silid bago ito sisimulan ang klase. "Bring out your book. May exercises lang akong iiwan sa inyo. We have a faculty meeting so behave yourselves." Nagbulungan naman ang mga kaklase niya. "Excuse me Ma'am?" Hindi na siya nag-abalang tumingin sa nagsalita dahil sa boses pa lang nito alam na niya. "Yes Kenzo?" "Ma'am, can we borrow your time for our group research in Biology? Hindi po kami nakapag-group study kagabi dahil sa lakas ng ulan." "All of you?" kunot-noong tanong nito. "Yes ma'am." "Alright. The said exercise will be your assignment then." Umungol naman ang mga kaklase niya. Wala talagang masasayang na oras sa Teacher nilang ito. Kaya nga ito binansagang terror kuno sa lahat ng mga guro sa Campus dahil sa ugali nitong very loyal sa propesyon. "No more buts.. Just do and finish your research today." Sabi nito at pagkatapos ay nag-paalam nang umalis. Kaniya-kaniya namang nagsipunta ang mga kaklase nya sa kani-kanilang grupo. At siya ay nanatili lamang sa inuupuan dahil hindi din naman nag-abalang tumayo ang leader nila. "You decide." bulong ni Kenzo sa kaniya. "Decide of what?" kunot-noo niyang tanong sa tinutukoy nito. "Masyadong maingay dito guys, baka pwedeng sa library natin gawin?" singit ni Ann, one of the team. Sumang-ayon naman si Vince dito kaya tumango nalang sya at naunang tumayo. Dinaanan niya muna si Jennie para ipaalam dito bago niya nilisan ang classroom. 'Bahala kayong mag-isip sa drama ko.' aniya sa sarili nang marinig ang ibinulong ni Vince kay Kenzo tungkol sa nangyari kagabi. "She's mad at us!" sabi pa nito sa kasama. Pinangatawanan ni Ada ang pag-iwas niya kay Kenzo hanggang sa umabot na iyon ng Isang linggo. Napabilib niya ang kaniyang sarili dahil achievement iyon kung maituring. Tuwang-tuwa din ang pinsan niya dahil sa matapang daw niyang pakikipag-laban sa damdamin. Napabuntong-hininga si Ada nang maalala ang tagpong iyon sa Library.. "Bakit hindi ka muna kasi tumawag bago ka nagpunta dito kahapon?" tukoy ni Kenzo sa pangyayari kagabi. Nainis sya dahil parang sinisisi pa sya nito sa nangyari instead of saying sorry. "Kailangan ba tumawag ako para i-confirm kahit naka-set na iyon? Sino ba ang nag-cancel? Ako ba?" "Eh Sana umuwi ka nalang. It's your fault not us!" Sabi pa nito nang hindi man lang inisip ang mararamdaman nya. "And now you're mad? C'mon Ada! What's the use of your cellphone kung hindi mo naman gagamitin sa matalinong paraan?" "Kenzo awat na." Saway ni Vince sa lalaki. "What are you trying to say then? Na ako dapat ang mag-sorry sa inyo?" nagpupuyos na siya sa galit dahil sa mga sinabi ng lalaki sa kaniya. Her fault? Really? Kailan pa naging kasalanan niya ang kasalanan nito? "Hindi Ada." mabilis na sagot ni Anne sa kaniya. "Huwag mo nang pansinin ang sinasabi ni Kenzo." "I am acting like a mad woman here because of what happened last night? Hindi naman ako nagsasalita ah! Actually, wala sa plano ko na i-share sa inyo ang nangyari sakin kagabi because Im fine." "But your action say so! Hindi ka makausap ng matino! We're here to study and we need your cooperation." ani Kenzo na wala yatang balak tumigil sa issue na iyon. Napapikit si Ada para kalmahin ang sarili. Masyado nang mainit ang sitwasyon at nasa Library pa sila. Mabuti nalang hindi masyadong matao doon at walang nakakarinig maliban sa mga libro. "Do we have to continue?" tukoy ng lalaki sa Research Study nilang yon! Walang salitang lumabas sa dalawa kaya siya na lamang ang sumagot. "You guys can stay here. I'll take a break." aniya bago nag-walk-out. Kung magtatagal sya doon baka lumala pa ang tensyon sa pagitan nila ng lalaki. She asked herself 'WHY?'. Bakit sya nagkagusto sa lalaking walang pakiramdam? Bakit sa dinami-dami ng lalaki sa School nila ay dito pa niya inaksaya ang mga oras nya? He was so arrogant! Napaka-self-centered! Matapos nga ang pangyayaring iyon ay hindi na sila muling nag-usap ni Kenzo. Nagpasalamat na lamang siya dahil maayos naman ang takbo ng Research nila. Katabi niya pa din ang lalaki sa upuan na talagang hindi niya maintindihan kung bakit natitiis nito iyon. 'It's because of his pride, Ada!' sagot ni Jennie noong minsan niyang tinanong ang opinion nito. Hindi nakaligtas dito ang nangyari sa kanila ng lalaki sa loob ng Library. Well, expect na niya iyon dahil sa matabil na si Vincent. Baka nga kalat na kalat na sa buong Campus ang nangyari dahil may ilang estudyanteng nagtatanong kung okay lang ba daw siya at kung kamusta daw sila ni Kenzo. Tinatawanan niya na lamang ang mga nakikisawsaw dahil wala naman siyang balak mag-explain sa karamihan kung anuman ang nangyayari sa kanila ng lalaki. Nakakainis lang dahil biglang maraming nagalit sa kaniya sa School. Pero ang pinsan ay labis nagdiwang dahil totoong nagalit daw sya kay Kenzo. Simula na daw kasi iyon para mawalan siya ng feelings sa lalaki. Pero para sa kaniya, it's not about her feelings towards him. Alam niya naman sa sarili na mahirap balewalain ang nararamdaman niya para dito at hindi iyon basta-bastang mawawala. "Kailangan mo ba ng kausap, Miss?" Nagising ang diwa nya sa pamilyar na boses mula sa kaniyang likuran. Ngumiti ito at nag-hi sa kaniya. His looks seems familiar pero hindi niya matukoy kung sino ang lalaki. "Can I join you?" Tumango na lang sya habang inaalala kung sino ito. "Iniisip mo na naman bang masamang tao ako?" Napakurap-kurap siya at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. 'What a perfect creation!' Sinita niya ang bumubulong niyang isip na nagsisimula na namang sumanib sa kaniyang katinuan. "Kalilimutan ko nalang sana yong payong ko but now that I saw you, kailangan ko na palang bawiin iyon." nakangiti nitong pukaw sa nag-lalakbay niyang kaisipan. Napailing siya at ngumiti dito. "Mr. Umbrella? " tanong niya. Ngumiti ito na lalong ikinaganda ng mga mata nito. Holy crap! The guy is looked breathtakingly handsome! 'Hoy Adalynne anong pinagsasabi mo?' "I'm Yohann and not 'Mr. Umbrella'." sabay lahad ng palad sa kaniya. Tinanggap niya iyon at nakipag-handshake sa lalaki. "Adalynne. Call me Ada." pakilala niya. "Nice seeing you again, Ada." "Anong ginagawa mo sa Library namin?" Nagtataka na siya dahil hindi talaga ito mukhang estudyante. Paano ba ito nakapasok sa Campus nila? "Hmm..Library ba to? Akala ko meeting place natin dahil for a second time nagkita tayo ulit sa lugar na to." 'Aba palekero!' "Gusto mo bang ipakaladkad kita sa guards?" pagbibiro niya. "They are my friends." Tumawa ito at sumeryoso naman ang mukha matapos tignan ang binabasa niya. "Anatomy? Body lover ka?" "Pangarap ko maging Doctor." aniya. "Wow! A very rare for a girl like you." "At bakit naman?" "Kasi alam mo kung ano ang pangarap mo kahit Highschool Student ka palang." Natawa siya ng lihim. Saan ba ito nanggaling? Makapag-salita parang bagong silang sa mundo. "Mahihiya yung Teacher mo kung maririnig niya ang sinabi mo." "Bakit naman? " Umupo ito at humarap sa kaniya. "Ano kaba! Kahit bata nga ngayon nangangarap na. Ikaw ba hindi tinanong ng teacher mo kung ano ang gusto mo maging sa paglaki?" Humarap si Yohann ng nakangiti sa kaniya. Ewan ba niya pero gusto niya ang mga ngiting iyon. Para kasing kayang alisin niyon ang bad vibes niya sa buhay. "Hindi e. Siguro absent ako nun or tulog." "Mabuti nalang pala at lagi akong pinapatulog ng maaga ni Mama noon.. Never kasi ako natulog sa school." Napatawa sila pareho sa takbo ng kanilang pag-uusap. Marami pa silang napag-kwentuhan ni Yohann hanggang sa mag-ring ang bell. Oras na para sa next class. "Huwag mo nang isauli sakin yung payong. May extra naman ako sa bahay. Just bring it all the time para hindi kana mahirapan sa susunod na abutin ka ulit ng ulan." "Thank you Kuya Yohann. Hindi ko kasi alam kung paano ko isasauli dahil hindi ko naman alam ang pangalan ng may-ari niyon. Baka kasi ibang tao ang mag-claim eh." "It's Yohann." kunot-noong wika nito. "Oo nga kuya---" "Oh please don't add that 'kuya'. 4 years lang ang tanda ko sayo." "Kaya nga ako nag-ku-kuya kasi matanda ka sakin." "Nahh..I'm not old enough for you to call me kuya. Just Yohann and it's final. Bye!!" anito at biglang umalis nang ihatid siya sa harap ng classroom nila. "Hayy..ang weird!" wika niya sa sarili habang tinitignan ito palayo. Napailing na lamang siya kung bakit palaboy-laboy ito sa Campus. "Iba din magparusa si Ma'am Aldeguer." Bago pumasok ng silid si Ada ay napansin niya si Kenzo na nakatayo sa kabilang pintuan. Nakapamulsa ang lalaki habang nakasandal doon. 'Tskk..feeling nasa photoshoot?' Tinaasan niya ito ng kilay dahil sa masamang tingin nito sa kaniya. "Hoy girl sino yung hot na yon?" It was Vincent. Tumuloy lang siya papasok ng silid at umupo sa pwesto niya. Sumunod ang bakla sa kaniya at muling nang-usisa. "Boyfriend mo ba yon?" muli nitong tanong. "Sinong boyfriend?" Napailing si Ada sa biglang dating ng isang makulit na lalaki. Kanina pa siya nito kinukulit sa text na sumama sa birthday party nito sa linggo. "Sorry ka nalang Raul dahil may naghatid na sa bebe mo." pang-aasar ni Vince dito. "Walang-wala sa itsura mo!" Alam ng karamihan na may gusto sa kaniya si Raul. First year pa lamang sila nang magsimula itong mangulit na manligaw. Mabait naman ito but the way he act and talk is kind of - turn-off for her. Ayaw niya sa lalaking mala-gangster kumilos. Feeling niya kasi nanganganib ang buhay niya kapag kasama ang isang katulad nito. "Totoo ba yun Ada? May boyfriend ka na?" tanong nito sa kaniya. Tumabi ito at pinihit siya paharap. "Kailan pa?" "Tigilan nyo nga ako." Kinuha niya ang libro sa bag at ibinuhos ang atensyon doon. "Move." boses iyon ni Kenzo. Tumayo naman si Raul para ibigay ang upuan dito. "Hi Kenzo? Nakita mo yung guy na naghatid kay Ada diba? Anong masasabi mo sa kaniya?" tanong ni Vince na ikinailing niya. Ano ba ang pinupunto ng baklang ito? "Ada likes me. Hindi nya boyfriend yon!" Napatingin silang bigla kay Kenzo. Seryoso ang mukha nito nang sabihin iyon. "What?" baling nito sa kaniya. "I am wrong?" "Tskkk..conceited." aniya at umiling nalang. "Bati na na kayo?" usyuso ng baklang mahadera. Masamang tingin ang ibinato niya dito dahil sa mga pinagsasabi nito. "Can you please go back to your seat?" Gusto na niyang batuhin ito ng libro nang panlakihan siya nito ng mga mata. Si Raul naman ay malungkot na umalis sa kinatatayuan nito. "Ang bad mo Ada. Raul invited you but you turned him down? Birthday niya po iyon hindi ka ba nakokonsensya?" "May sinabi ba kong hindi ako pupunta?" "You mean?" "May choice ba ako kung lahat kayo pupunta?" Pumalakpak naman ito sa sinabi niya. Tinapik-tapik pa nito ang likod ng kaniyang palad. "Why so happy?" kunot-noong tanong niya. "Nothing. Mapapasaya mo kasi ang Celebrant. And, the party seems so fun because of you." "It's just a party. Pumunta man si Ada o hindi masaya pa din iyon because it was a PARTY!" singit ni Kenzo sa usapan. "Of course not. Raul likes Ada. Malay natin kung may pasabog si Raul sa party niya diba? You know him, right?" tumayo ito at bumulong kay Kenzo. "Good luck Kenzo." anang bakla bago sila nito iniwan. Tiningnan niya lang ito ng 'What is it?' look pero mukhang hindi nito na-gets iyon. Kinindatan lang siya nito bago umalis. "Anong sinabi niya sayo?" tanong niya sa nakakunot-noong lalaki. "Nothing. Just a warning." anito at biglang tumawa nang nakatingin sa kaniya. "Oh. Another weirdo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD