"Welcome to Vivanta Island!" bati sa kanila ng tauhan sa isla pagkababa nila sa bangka. "Please follow me." Sumunod silang tatlo ni Paulo at Daniel sa babaeng sumalubong sa kanila. Dinala sila sa isang magandang Villa. Mas pinili ni Paulo na sa Villa sila mamalagi kaharap ang magandang beach. "If you nee anything else, you can call the reception area on the telephone." "Thank you," pasasalamat ni Paulo. Umalis na ang babae at sila naman ay pumasok na sa loob. Maganda ang loob ng villa, may leather sofa at pabilog na table sa gitna. Isa lang ang kwarto pero malaki naman at may dalawang kama. Ang kabilang pinto naman ay bathroom. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya nang lungkot. Dahil ba wala si Luis? Dahil ba mas pinili nitong bumalik sa Cordova? "You're zoning out again,"

