"Proceed na nga tayo sa Q&A games, nakakainggit lang talaga... ganitong wala tayong love life," saad ng emcee na ang hitsura ay naiinis pero nanunukso ang tono ng boses. "Okay, here's the first question." Pumailanlang ang tunog ng banda instrument sa buong paligid. "Ayan na, girl! Exciting!" tili ni Paulo sabay hila sa braso niya. "Ano ba! Huwag ka ngang malikot diyan, nati-tense ako." Iwinaksi niya ang kamay nito. Pagkatapos ng saglit na instrumental music ay muling nagsalita ang emcee. "Question number 1. Which animal is known as the 'Ship of the Desert?'" "Ano ba?" bulong sa kaniya ni Paulo. Siniko niya ito. "Parang hindi ko napag-aralan 'yan." "Hindi ko alam, ano ba!" bwelta niya rito. Halos magkasabay lang na nagtaas ng kamay sina Luis at Daniel. Pero mas nauna si Luis na k

