"Beatrice!" Mabilis niyang ibinutones ang suot na blusa nang marinig ang natatarantang boses ni Isaac na kapapasok lang sa silid. "A-ang Papa mo nasa baba," muling turan nito sa nauutal na boses. She rolled her eyes at him. Naiinis siyang tumayo mula sa kama at inayos ang suot na palda, sinigurado na walang gusot. "Bakit ka ba natataranta? Relax lang," aniya sa natatawang boses saka tinapik-tapik ang balikat nito. Namumutla naman ito. Inayos pa nito ang suot na salamin sa mga mata saka umatras. "Kasi baka isipin–" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil sa pangalawang atras nito ay bigla na lang itong natisod kaya napayakap ito sa kaniya. Ang lampa talaga, sa isip-isip niya. Hinayaan niya namang bumagsak silang dalawa sa kama. Nakubabawan siya nito. "Nakakaakit talaga ang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


