Kanina pa paulit-ulitn na tinitingnan ni Luis ang suot na relo. Tinitingnan niya ang oras, magla-lunch na pero wala pa rin si Bebe. Badtrip na siya dahil kanina niya pa ito tinatawagan pero hindi niya ma-contact. Nag-angat siya nang tingin dahil may kumatok sa pinto ng opisina niya. Sumungaw ang ulo ni Riza, maaliwalas ang mukha nito at matamis na nakangiti. "Dinalhan kita ng lunch. Mukhang hindi na yata darating si Bebe." Tuluyan na itong pumasok at inilapag ang lunch box sa table niya. "Thanks. Nagustuhan nga pala ni Bebe ang pansit mo at lumpia." "Really? I'm glad she likes it. Anyway, kainin mo na 'yang dala kong lunch dahil baka mamaya pa dumating si Bebe, mahirap na malipasan ng gutom." "Thanks again." "You're welcome." Kinindatan siya nito bago lumabas. He's about to d

