"Pasensya ka na," narinig ni Bebe na hinging paumanhin ni Mary sa kaniya. Tipid siyang ngumiti rito. "Okay lang 'yon." "Natagalan tuloy tayo dahil ang dami nilang tinanong sa'yo. Pasensya na talaga sa abala." "Walang anuman. Salamat sa paghatid sa akin dito sa bahay. Gusto mo bang dito ka na maghapunan?" yaya niya rito. Umiling naman ito. "Salamat, pero may pupuntahan pa kasi ako. Balitaan na lang kita kung ano ang result sa ginawa natin kanina." "Sure." Bago pa ito makaalis ay dumating naman si Mang Gido. Mabilis itong bumaba sa minamanehong tricycle karga si Elsa. Halata sa hitsura nito ang pag-aalala kaya nabahala siya. "Mang Gido, may problema po ba?" "Hija, nabalitaan mo na ba?" Humahangos itong lumapit sa kaniya na para bang hinahapo. "Ho? Ano po ang balitang 'yon?" "

