"Nice place," narinig niyang papuri ni Juan sa condo ni Bebe. Malaki nga naman at maganda. He was wondering kung pagmamay-ari ito ni Bebe o renta lang. "Paano mo nabuksan ang unit niya?" tanong ni Primo sa kaniya. "Ako pa ba?" Ngumisi siya rito. Napailing naman ito at nanahimik na lang na nakaupo sa sofa. Ipinagpatuloy niya na rin ang pag-dial sa number ni Bebe. Kanina pa at hindi ito sumasagot. Pagdating nila rito ay wala na ito. Alas otso na sila ng gabi nakarating dahil sa sobrang traffic. At ngayon nga hindi niya ito mahagilap. Binalingan siya ni Juan at tinawanan. Natawa yata ito sa frustrated niyang hitsura. Tiningnan niya ito ng masama. "Don't laughed at me, it's your fault." Paninisi niya pa dahil hindi niya alam saan niya hahagilapin sina Bebe at Paulo ngayon lalo na't hin

