Naiinis na pinatay ni Bebe ang kaniyang cellphone pagkatapos makausap si Luis. Inilagay niya na lang sa silent mode dahil patuloy ang pag-ring ng cellphone niya. Hinarap niya ang sales lady na may hawak na deep V style sequin cocktail dress at hanggang hita lang ang haba. Napakamot siya sa ulo. Masyadong mahaba ang V style nito sa dibdib at alam niyang luluwa ang cleavage niya kapag 'yon ang sinuot. "Isukat mo na, girl. Go na!" Si Paulo na busy rin sa pamimili ng isusuot para mamaya sa night out nila. As if naman magsusuot ito ng pambabaeng damit. Pero tuwang-tuwa nga ito ngayon, kanina lang panay ang iyak nito sa kaniya dahil nahuli nitong may iba ang boyfriend kaya napilitan siyang samahan itong mag-clubbing ngayong gabi. "Hindi ba luluwa ang dede ko sa dress na 'yan, bakla?" Napang

