Nahagip ng tingin niya sina Primo at Juan na pinagkakaguluhan. Panay naman ang sayaw ng mga ito. My God! What's happening? Ang daming tanong sa isipan niya kaya mas lalo siyang nahilo at sumakit ang ulo. Hindi lang siya makapaniwala na makitang nagsasayaw si Primo. Humagikhik siya kaya napatingin sa kaniya si Luis. "What's funny?" kunot-noo na tanong nito. "Look at your friends, mukhang nag-e-enjoy." Itinuro niya rito ang dalawang kaibigan. Ngumisi naman ito. "They're doing their job, buti naman." "What do you mean?" "Forget about them," sagot nito. Nakalabas na sila sa exit at kaagad silang nagtungo sa paradahan ng mga taxi. She felt very disappointed. Matutulog na lang siguro siya kapag inihatid na siya nito sa condo niya at hindi na niya ito papansinin pa! Inis niyang saad sa

