Sa Groundbreaking ceremony ng bagong project ay sobrang sama ng pakiramdam ko. Muntik na tuloy akong ma-late sa pagpunta dahil alas syete na ay nasa bahay pa ako at hindi pa nakakaligo. Tamad na tamad akong bumangon at hilong-hilo na naman kaya nagpalipas pa ako ng ilang sandali bago tuluyang nakakilos para maligo. “Would that be enough for your breakfast?” kunot ang noong tanong ni Sangko nang makita ang mga pagkain na kinuha ko. Tumango lang ako. “I’m in a hurry,” simpleng sagot ko lang at saka sinimulan na ang pagkain. Mabilis lang akong kumain dahil late na ako sa event. Kanina pa ako tinatawagan ni Siob kaya alam kong kanina pa sila doon. Pagdating ko nga sa site ay halos tapos na ang program. Lumapit ang apprentice kong si King at binigay sa akin ang details ng mga sinabi ni Gelo

