Sa huling meeting namin bago simulan ang bagong project ay mas lalong tumindi ang pangangantyaw ni Siob sa akin. Hindi pa naman ako makapag concentrate sa pakikinig dahil kanina pa ako antok na antok. And it seems like taking a cup of coffee is not enough. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nag-iiba ang lasa ng kape sa mga nagdaang araw kaya ayaw ko ng uminom ng kape. I prefer smoothies these days. Siguro ay dahil palapit na ang summer at umiinit na ng todo ang panahon. “Ano ba ‘yang si Sven? Ligaw-tingin. Parang sira!” natatawang sambit n’ya nang umalis sa harapan si Sven dahil tapos na sa dapat n’yang i-explain. Napapansin ko rin naman ang pandalas na paninitig n’ya sa akin habang nagsasalita s’ya. Hindi ko lang gaanong binibigyan ng pansin dahil mas lalo akong hindi makapag concentr

