Pagkatapos ng meeting namin at ng system training ay nasundan pa ng ilang beses ang mga sobrang awkward na pagkikita namin ni Sven. Madalas ko s’yang mahuling naninitig sa akin lalo na sa mga pagkakataong nasa isang room kami at may nagsasalita sa harapan! Ibang-iba ang nararamdaman ko sa mga titig n’ya at ilang na ilang ako sa tuwing nasa malapit s’ya kaya hangga’t maaari ay iniiwasan ko s’yang makasama sa mga seminars! Ang dami pa namang naka-line up na seminars ngayon para sa mga apprentice sa foundation kaya halos tawagin ko ang lahat ng available na mga Santo at Santa para lang ‘wag kaming maging magka-partner sa pag conduct ng mga seminars! Nakahinga ako ng maluwag nang hindi matawag ang pangalan ko sa mga may schedule na magconduct ng seminar para sa linggo na ito. Pero hindi pa r

