Isang linggo na simula noong dumating si Sven. At sobrang nagtataka ako na hindi na ako nilalapitan ni Joy pagkatapos ng nangyari sa amin sa cafeteria ng LEF. Buong linggo s’yang hindi halos nagpapakita sa akin. May mga pagkakataong nagkikita kami sa cafeteria pero hindi kagaya ng nakasanayan ko na parang sa lahat ng empleyado na kasabay naming kumakain ay ako lang parati ang nakikita n’ya. Her attention was always on me, that’s why we always argue because she definitely won’t last a day without mocking me! Ngayon ay sobrang nagtataka ako sa pananahimik n’ya. Hindi ko alam kung ano ang estado ng pagkakaibigan nila ni Sven, pero baka dahil matagal-tagal na rin kaming wala ay sinabihan n’ya si Joy na dumistansya na sa akin. Isa pa ay wala na rin naman talaga s’yang dahilan para guluhin ak

