Friday pa lang ng umaga ay busy na ang lahat sa bahay. They were busy packing things for their babies when I left the house for work. Ang sabi ni Gelo ay pwede naman akong mag halfday o ‘wag na lang na pumasok para makasabay sa pamilya ko sa pagpunta sa La Union pero tumanggi ako. May mga dapat pa akong tapusin at wala naman akong baby na kailangang iiwas sa hassle ng traffic kaya okay lang na sa gabi na ako pumunta. Lunchtime noong tumawag sa akin si Siob para tanungin kung anong oras ako magsisimula na mag biyahe papunta sa La Union. Hindi ko pa sigurado kung anong oras ako matatapos pero panigurado ay medyo gabi na. “Sumabay ka na lang sa amin. Ayaw payagan na umalis si Liam na walang kasamang driver kaya magvavan kami. Sumabay ka na lang sa amin para hindi ka na mapagod mag-drive. Ge

