Kanina pa ako tingin nang tingin kay Sven habang palabas kami sa YM Hospital. Hawak-hawak n’ya ang sonogram na binigay sa akin ng doctor kanina at titig na titig s’ya doon habang naglalakad kami palabas. Ni hindi ko alam kung ano ang business n’ya ngayon dito sa YM Hospital at wala rin akong idea kung tapos na s’ya sa dapat ay gagawin n’ya dito ngayon. Kanina kasi ay muntik pa n’yang nakalimutan na pulutin ang folder na hawak n’ya dahil sa kakatingin n’ya sa sonogram at sa tiyan ko. Hindi rin s’ya nagsasalita at mukhang wala sa sarili. At nang sumakay ako sa sasakyan namin ay sumakay din s’ya ng tahimik at tinabihan ako ng upo. Nagtataka pa ang driver namin sa kanya pero umiling lang ako at sinabihan na s’yang paandarin ang sasakyan. Nang muling lingunin ko s’ya ay tahimik pa rin s’ya a

