Tapos na kaming kumain nang may ilan pang mga bisitang humabol sa kasal ni Gelo at isa doon si Crezia na agad dumikit kina Liam at Sven kaya dumistansya ako sa kanila at nagfocus na lang sa panonood kay Siob na naghahanap ng mga bisitang kumakain para panoorin ang mga itong kumain. Nahuling kumain ang mga bagong kasal kaya nandito kami at sinasamahan ko si Siob na panoorin silang kumakain. “Are you going to eat that lobster too, Gelo?” Napatingin ako kay Siob nang makitang nakapangalumbaba s’ya habang pinapanood na kumain ang dalawa. Nawala lang ang tingin ko sa kanila nang marinig ko ang tawanan sa gawi ng table nila Crezia. Naabutan ko pang hinampas ni Crezia sa balikat si Sven habang tumatawa kaya agad na nanliit ang mga mata ko at sinamaan sila ng tingin kahit na nakatalikod sila sa

