Joy asking me for a favour didn't stop there. Halos linggo-linggo na s'yang humihingi ng pabor sa akin at nararamdaman kong nahahalata na ni Jen kaya pinapaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon ni Joy. But I never attempted to tell her about me being an unwanted child. Kahit sa sarili ko ay hindi ko pa iyon matanggap kaya ang sabihin ang bagay na ‘yon sa kanya ay hindi ko pa kaya sa ngayon. May mga pagkakataon pa rin na sinisisi ko ang sarili ko dahil sa mga nangyari kay Mommy. I really felt like I was quite responsible for whatever hardships she went through just because she was feeling that my Dad didn't really love her. “Sven naman! Weekends na nga lang tayo may oras na magkasama, tapos hahayaan mo pang iwanan dito ‘yang anak n'ya?!” Iritang-irita na si Jen nang sumunod ulit na linggo ay

