KINABUKASAN... Kahit linggo ay nasa kumpanya si Dylan sapagkat nakuha na niya ang kanyang day off kahapon. Naka sakay kami ni Deden sa kotse patungo sa kumpanya para dalhin ang ilang papeles na naiwan ni Dylan sa bahay. Nahiya na akong ihabilin si Deden kay aling Mimi kaya isinama ko na lamang siya ngayon. Wala naman akong problema sapagkat laging behave ang aking anak. "Nak, wag tatakbo agad ha, hintayin mo si papa," saad ko pa sa kanya habang naglalakad kami papasok sa building. Tumango lamang naman siya at mahigpit na kumapit sa aking kamay. Dumaan kami sa may gwardya at bumati pabalik sa kanila. May ilang mga empleyado rin ang bumabati sa amin habang naglalakad kami patungo sa private elevator paakyat sa floor ng office ni Dylan. At di rin nagtagal ay nakarating din kami doon. N

