"Papa!" "Hm? Ano yun Den?" tanong ko pa. Baka kasi may masakit sa kanya. Pero ang sunod niyang sasabihin ang nagbigay gulat sa akin. "Papa, may alien po." "H-Ha? Anong ibigsabihin mo anak?" naguguluhan ko pang tanong habang marahan kaming naglalakad, sa kanya naman ako nakatingin kaya hindi ko pansin ang mga kaganapan sa unahan. "Ayon po!" malakas niyang ani sabay turo sa aming harapan. Napatingin din naman ako at mabilis na ibinababa ang kanyang maliit na kamay nang mapagtanto ang lahat. "Shhhh! Ui bad yan Deden," saway ko pa. Dinuduro kasi niya ang isang lalaking nakatayo sa harap ng table ni Nico. Nakatalikod ang lalaki at mukhang wala naman sa kanyang kakaiba kaya hindi ko alam kung bakit siya natawag na alien ng anak ko. Nang masiguro kong behave na siya saka muli kami nagpatul

