Chap 34 RYLAN POV NGUNIT, pakiramdam ko ay mas mag ooverthink lang ako kung hihiga lamang ako maghapon at walang gagawin. Mas mabuti na itong busy ako para mawala ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan. Linis dito, linis doon. Nagbake na din ako ng paborito nilang dessert para may meryenda ang mag ama ko pag uwi nila. At dahil occupied ang aking utak sa pag iisip kung kailan ba malulutas ang kasong ito ay hindi ko napansin na nasa labas na pala ako ng bahay at nagdidilig naman ng halaman doon. Kanina lang nasa loob pa ako at nag aayos tapos ngayon naman ay nag teleport na pala ako dito. Napakamot na lamang ako sa aking ulo dahil sa mga nangyari, habang hawak ang hose ng tubig ay bigla naman akong nakarinig ng doorbell. Dali-dali kong ibinaba ang hawak at pinatay ang tubig bago mag

