Chap 33 3RD PERSON POV NAPASILAY si Dylan nang may pag aalala kay Rylan dahil sa nakikitang kalagayan nito. Ngayon nga ay tulala na naman ito sa kawalan habang nakatayo sa harap ng umaagos na gripo. May hinuhugasan itong mga gulay kanina lang ngunit mukhang matagal na nitong nakalimutan ang tungkol doon. Habang nakikita na ganito ang asawa, tila ba ay nagbabalik sa kanyang isipan ang mga panahon na problemado si Ry sa negosyo nito. Iyon din ang dahilan kaya napabayaan nito ang sarili at nagdulot ng kanilang pinaka una at seryosong away sa loob ng sampung taong pagsasama. Kanina pa siyang nakasanday sa gilid ng pintuan ng kusina, ilang beses na rin siyang napabuntong hininga ng may kalakasan ngunit wala sa mga iyon ang narinig ng kanyang asawa. Siguro ay lumulutang na naman kung saang

