RYLAN POV "Ry ko." Bigla akong napatigil sa pag aayos ng higaan namin at dahan-dahang napalingon sa aking asawa. Nang makaalis ang mga pulis kanina ay hindi naman namin ganoong napag usapan ang naganap habang nasa hapagkainan, lalo na ang katotohanang di ko agad na sabi sa kanya ang tungkol doon. Sigurado akong nagulat talaga siya sa nadatnan sa loob ng aming bahay. Feeling ko kaya napasang ayon siya kanina sapagkat kaharap na namin ang mga pulis. "Hehe, bakit Dylan?" "Hm?" tipid niyang sagot habang palapit sa akin. Napa atras naman ako dahil sa kaba, hindi kasi siya nagsasalita at deretso lamang na nakatingin sa akin. Napayakap ako ng mahigpit sa unan na aking hawak at saka nagsimulang magpaliwanag. "Dylan ano... Sorry talaga hindi ko agad sayo nasabi kasi... B-Busy ka, alam kong b

