NICO'S POV MATAPOS ang trabaho ko sa opisina at mag ayos ng mga schedule ni boss bukas ay naghahanda na ako para sumabak sa aking guilty pleasure at stress reliever. Dahil sa kakulangan ng pera mula kabataan ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makisabay sa mayayaman kong mga kaibigan noon pagdating sa paglalaro online. May mga xbox sila at console, gustong-gusto ko rin no'n, pero hindi ko afford kaya hindi ko magawang makabili. Siguro naranasan ko lang na makahawak ng controller noong naging kaibigan ko si Boss. Hindi kasi siya madamot, ipinapahirap niya sa akin ang kanyang mga gamit ng walang arte. Ngayon ngang may maayos na akong trabaho at malaking sahod ay ngayon ko na gagawang makabili ng mga gamit na gusto ko nung kabataan. At iyon nga ay mga online games. Pero kahit ganun

