RYLAN POV
"Ano pa Ry ko, edi aalamin natin ang problema niya."
"Wag na, ano ka ba? Halika, magpatuloy na tayo, ikot pa tayo ng isang beses sa buong court." Hinabol ko siya at mabilis na kumapit sa kanyang braso. Nilambing ko siya sa pagyakap sa kanyang malaking braso, pero mukhang di iyon sapat para mapakalma siya.
"Hindi, nakakabastos kasi yun Ry ko, ayaw kong ginaganyan ka. Wala ka namang ginagawang masama."
"Okay lang ako Dylan. Wala namang laser mata ang niya, hindi niya ako mapapatay gamit yun," pagpapatawa ko pa upang pagaanin ang sitwasyon. Sana naman ay kumagat siya sa patay kong joke.
"Hmp..."
Nang makita ko siyang mapatingala na tila nag iisip ay medyo nakahinga ako ng maluwag. Ayaw ko ng g**o sa umagang ito kaya dapat ay ma-iwas ko ang atensyon niya.
"--teka! Hindi kaya may gusto sayo yun?"
Akala ko ay okay na siya. Yun pala nagising na naman ang ka-praningan niya. Tiningnan ko siya na parang nagsasabi ng... 'Huh?'
"Hays, tumigil ka na nga sa ka-praningan mo. Hindi lahat ng lalaki ay magkakagusto sa akin dahil hindi lahat ay kagaya mo." 'Kalalaking tao eh sa lalaki rin na in love.'
"Kahit kailan hindi ko naisip na ikahiya ka Ry ko, hindi ka man babae, pero may katangian ka naman na kahit kailan ay hindi ko nakita sa kahit sinong babae sa paligid. Kaya proud pa akong sabihin na sayo ko ibinigay ang pagmamahal ko," madamdamin pa niyang pahayag. Mahal na mahal ko rin siya, pero kapag ganito siya, hindi ko mapigilang di mahiya.
Napaka-drama king talaga niya.
"I love you too, Dylan," saad ko at yumakap sa kanya. Pero sa isip ko... 'Drama talaga ng ulol na 'to, nahamugan ata ang utak agang-aga ay kadaming alam.'
HABANG nasa gitna kami ng daan at background namin ang sumisikat na araw ay hindi ko inaasahan na may makakakita sa kalukohan namin dito.
"Tunay ba? Kay aga-aga ay nagliligawan kayo dito!"
Mabilis akong napalayo kay Dylan, pero ang kanyang kamay ay nasa aking bewang pa rin at ayaw bumitaw. Halos hindi ko sila matingnan ng deretso dahil sa pamumula ng aking mukha dulot ng hiyang nararamdaman.
"Kaya nga, hindi na nahiya sa mga single na kagaya namin," segunda pa ni Rico sa pang aasar ni Benny sa amin. Nag fist bump pa ang dalawa na tandem sa pang aasar. Kapag ganito sila, hindi ko mapigilang di matuwa sapagkat parang walang nagbago sa amin kahit halos lampas sampung taon na kaming magkaka-kilala.
Nagbabalik iyong panahon na magkakasama kaming naglalaro dito sa court kapag linggo ng hapon.
"Good morning sa inyo," masayang bati ko sa kanila.
Si Jeff lang ang bumati sa amin sapagkat busy ang dalawang gago sa pangkukulitan.
"Eh!? Ikaw lang naman ang single dito," hasik naman pabalik ni Benny kay Rico.
Napayakap na lamang ako sa braso ni Dylan habang pinagmamasdan ang dalawa na gusto na atang magsuntukan ano mang oras. Napatawa na lang ako nang bahagya sapagkat hindi pa rin sila nagbabago.
"Gago hindi no, paano naman ang brokenhearted nating tropa," biglang turan ni Rico sabay turo kay Jeff na nanahimik sa kanyang likod.
"Nga pala," naiiling na tugon ni Benny.
Napataas ang kilay ko dahil sa pahayag na iyon ni Rico. Ang alam ko ay staying strong pa ang relationship ni Jeff dun sa girlfriend niya. Ano kaya ang nangyari?
"Tunay!? Jeff nasaan na gf mo?" nabulalas ko bago ko pa napigil ang aking sarili na magsalita.
Lalo naman akong naawa dahil napayuko lamang siya at hindi na sumagot pa. Ibigsabihin lamang ay masakit talaga ang breakup na naganap.
"Naku, wag mo nang itanong Rylan. Sumama lang naman sa ibang lalaki ang gf--"
"Preno naman pre! Kita mong paiyak na ang tropa natin," Inis, pero pabirong pagpigil ni Rico sa kaibigan at nagawa pang akbayan si Jeff.
Napaalis naman ako sa tabi ni Dylan at saka nilapitan si Jeff upang guluhin ang buhok niya. Kahit na halos magkaka edad kami ay mas nakababatang kapatid ang turing ko sa kanila.
"Okay lang yan, Jeff," bulong ko. Pansin kong napalabi siya at mas yuko pa para di ko makita ang kanyang ekspresyon.
Lumambot ang ekspresyon nina Benny at Rico, kahit laging nag aasaran ang tatlong ito, alam kong bukod sa lahat sila lamang ang pinaka nag mamalasakit sa isa't isa.
Nagulat na lamang ako nang biglang yumakap ang dalawa kay Jeff kaya nadala ako sapagkat magkalapit kaming dalawa. Lumingon pa ako kay Dylan, pero walang mababakas na inis at pagseselos sa gwapo at kalmado niyang mukha.
Maya-maya pa ay lumapit na din siya at hinawakan ang ulo ni Jeff para guluhin rin ang buhok nito. Siguro ang bagay na iyon talaga ang paraan ng mga lalaki sa pag mamalasakit sa kapwa nila.
"Triplets ba kayo? Lagi kayong magkakasama, wag nyong sabihin na sa iisang kompanya din kayo nagtatrabaho?" pabirong tanong ni Dylan makalipas ng ilang minuto pagkatapos ng madamdamin naming group hug.
Sa totoo lamang ay halos hindi na rin kami nagkikita lagi ng tatlong tukmol sapagkat busy na rin sila sa trabaho, at kahit ako ay ganun din. Lalo na at may pamilya na ako ngayon hindi tulad noon na kami lamang ni Dylan ang magkasama.
"Hindi na namin sasabihin boss, pero parang ganun na nga," pag amin pa niya habang tumatawa.
Dahil 5:30 na ng umaga at medyo natatagalan na kami kaya napagpasyahan namin ni Dylan na umuwi na sapagkat walang kasama sa bahay si Deden.
"Guys, kapag wala kayong work pwede kayong bumisita sa bahay ah, para makapag kwentuhan naman tayo."
"Salamat Rylan!" masiglang ani nina Benny at Rico. Rinig ko pa ang bulong nila.
"Punta tayo, miss ko na ang dessert ni Rylan."
"Tunay, at saka libre yun kapag bumisita tayo."
"Tama ka Brad!"
Napailing na lamang at ako humarap kay Jeff. "Pre, kita na lang tayo sa isang araw, aasahan ko ang pagpunta nyo ah," ani ko na may kasamang tapik sa balikat niya.
"Salamat Rylan. Oo naman, sigurado akong kahit di ko gusto pumunta ay kakaladkarin ako ng dalawang iyan," nakangiti na niyang tugon sabay turo sa dalawang kaibigan.
Tumango ako at nagpaalam na sa kanila. Kumaway pa ang tatlo bago kami magpunta sa magkabilang dereksyon. Nang pabalik na sa bahay ay mabuti na lang at di na namin nakita si Geoff.