RYLAN POV
"Ry ko, ready ka na?"
"Oo, teka lang isasara ko nang maayos ang pintuan," tugon ko at saka ini-lock ang front door. Tulog pa ang anak namin sa loob.
Katulad ng mga nakaraang araw, kapag umaga ay halos huminga na kami ng usok dahil sa lamig. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik kami sa Baguio sa klima na meron dito sa amin kapag umaga. Bigla ko rin na-miss ang Baguio. 'Kailan kaya kami makakapasyal muli doon?'
Lumalabas kami ng ganito ka-aga dahil sa kagustuhan naming mag exercise at maging healthy, kahit na medyo fail ang una naming attempt sa pagjo-jogging noon ay ipinagpatuloy pa rin naman iyon hanggang ngayon para masanay ang katawan namin.
At sa totoo lamang mula ng sinimulan namin ito ay mas naging energetic ang katawan ko at mas maaga na akong nagigising hindi tulad noon.
4:30 am na ngunit hindi pa naman sumisikat ang araw. Hindi na ulit kami umaalis ng sobrang aga at pumupunta sa parte ng subdivision na di pamilyar dahil sa nangyari dati. Alam kong aso lamang iyong nakita namin sa isang bakanteng lote, pero pakiramdam ko ay may kakaibang nilalang na nagmamasid sa amin mula sa madilim na bahagi ng lugar na iyon.
Ngunit, kapag naiisip ko pa rin ang pangyayaring iyon ay hindi ko mapigilang di mapatawa dahil sa reaksyon ni Dylan.
"Bakit Ry ko?" Napapataas kilay na tanong pa niya sa akin, napansin ata niya ang pagpipigil ko ng tawa.
"Wala naman Dylan, tayo na para makabalik din tayo ng mabilis," tugon ko na lang at saka nilampasan siya.
Katulad noon, kahit nagg-gym siya ay talo ko pa rin siya pagdating sa tatag at tibay sa matagalang jogging. 'Iba talaga ang resistensya ng mga taga- probinsya.' Proud kong pahayag sa aking sarili habang nagpapatuloy.
Si Dylan naman ay nasa tabi ko at marahan lamang kaming nagjo-jogging para hindi mapagod agad. Kahit naka- jacket ay pasok pa rin ang lamig sa aking katawan.
Dahil medyo nagsisimula na ang pagsikat ng araw kaya naman lumiliwanag na ang bawat daan. Nalampasan namin ang bahay nina Lily, Aling Mimi, ang luma at bakanteng bahay ni Leo at sa wakas ay nakalabas na rin kami sa aming street.
Ang track namin ay paikot ng basketball court na nasa may unahan ng subdivision at pabalik sa bahay.
Kahit hinihingal na kami sa pagod ay tuloy pa rin kami ni Dylan sa pagku-kwentuhan at pag uusap tungkol sa trabaho at ibang bagay.
"Oo Ry ko, patapos na ang partnership ng corporation natin sa isang sikat na company sa Korea."
"Talaga, so nag dagdag na naman kayo ng branch doon?" ani ko at lumingon sa kanya. Kahit ulol at praning 'tong asawa ko. Napaka gwapo niya kapag nagtatrabaho na. Lalo na kapag seryoso siya sa ginagawa.
Kaya kahit sandali, kapag na aalala ko ang nakakunot niyang kilay at seryosong ekspresyon sa opisina ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi kiligin.
"Tama mahal ko, pero baka maging busy ulit ako sa mga susunod na linggo ha," saad niya ulit kaya nagising ako sa munti kong pagpapantasya.
Yumuko ako para hindi niya makita ang desmayado kong ekspresyon. Hindi ko akalain na malaki ang kapalit ng panandaliang kilig na naramdaman ko ngayon lamang.
'Kinikilig pa ako kanina tapos ngayon bigla kong malalaman na halos ilang araw na naman kaming hindi magkakasama dahil busy siya! Ay naman buhay!' inis na saad ko sa aking isipan, kahit blanko ang aking ekspresyon.
"Bakit? Anong nangyari?" nag aalala ko pang saad kahit mas nag aalala pa ako sapagkat di kami magkakasama kaysa sa problema ng kanyang kompanya.
'Ganito na ba ako ka makasarili?' napapailing na bulong ko sa aking sarili. Sanay kasi akong lagi siyang kasama kaya nalulungkot ako kapag abala siya sa trabaho.
Siguro ganito rin ang pakiramdam niya noong mas pinapahalagahan at mas pinagtutuonan ko ng pansin ang aking shop kaysa sa kanila ni Deden. Matagal na akong nagsisi sa pagkakamali kong iyon at bumabawi sa kanila.
Hindi naman ganun ka-kilid ang utak ko para hindi rin siya maintindihan lalo nang alam ko naman na para lamang din sa amin ang kanyang paghihirap at pagtityaga sa trabaho.
"Wala naman, dadating lamang yung CEO ng company sa Korea na nabanggit ko kanina para i-seal ng maayos ang deal at partnership," sagot pa niya.
Napatango naman ako at ngumiti bago humarap sa kanya. "Ah ganun ba, ayos lang yun Dylan basta wag kang magpapalipas ng gutom. Sabihin mo lang sa akin kapag gusto mag pack lunch."
Kapag busy kasi siya sa trabaho ay hindi kami nakakapag lunch kasama siya sa opisina. Karaniwan ay wala siya sa kumpanya para umattend ng kung ano-anong meeting sa labas.
"S-Salamat, Mahal ko--- hays pagod n-na ako," hinahapo pa niyang ani at tuluyan nang napatigil sa pagjo-jogging. Hinihingal siyang napayuko habang nakahawak sa tuhod ang mga kamay.
"Haha pahinga muna tayo. Mukhang para talaga sayo ang exercise na 'to," suhestyon ko sa kanya habang natatawa.
Napatango na lamang siya at hindi na nakapag reklamo sa aking pang aasar dahil sa pagod. Masunurin siyang umupo sa gilid ng concrete at tumabi naman ako sa kanya.
Inibot ko sa kanya ang tumbler ng tubig na dala ko para maka inom siya habang pinupunasan ang kanyang likod.
Paikot na kami sa basketball court nang mapagod si Dylan kaya umupo muna kami sa gilid ng gutter. Makalipas ang ilang sandali ay mukhang okay na siya kaya nagpatuloy na kami.
Nang pabalik na kami sa aming street ay madadaanan namin ulit ang mansion ni Mama Chona, pero hindi namin inaasahan na biglang lalabas ng gate si Geoff.
Nagulat ako habang si Dylan naman ay napataas lamang ang kilay ng makita ang taong nasa aming harapan. Ngunit nang muling tumalim ang tingin ni Geoff sa aking dereksyon ay ramdam kong nagbago ang timpla nitong katabi ko.
"Dylan, bilisan natin!" nagmamadali ko pang ani dahil sa pagkataranta. Sa halip na dumeretso kami sa dereksyon ng aming bahay at makasalubong si Geoff kaya sa kabilang banda ko nahigit si Dylan.
Napabalik tuloy kami sa may court, at nang hindi ko na siya mahila sapagkat pinigilan niya ako. Mabuti at malayo na kami sa binatang may galit sa akin. Hindi ko ba alam kung bakit ang daming galit sa akin eh wala naman akong ginagawa sa kanila, karamihan nga sa kanila ay hindi ko personal na kilala.
"Ano ba talagang problema ng lalaking yun ah?"
Napalunok na lang ako ng wala sa oras sapagkat mukhang seryoso na siya.
"Ewan ko nga din, wala naman akong atraso sa kanya," napapailing na tugon ko nang makita ang bigla niyang pagtalikod
"Ui, saan ka pupunta, Dylan?!" gulat at kinakabahan kong sigaw sa kanya.