RYLAN POV
"Mga sir, magandang tanghali!" magalang na bati ng gwardya sa amin at yumuko pa ito ng bahagya at inalis ang suot na sumbrero.
Bumati naman kami pabalik ni Deden bago bagtasin ang daan patungo sa private elevator dito sa kumpanya.
"Anak, dahan-dahan, wag tumakbo," paalala ko pa sa malikut kong anak matapos bumukas ang pintuan ng elevator.
"Opo, Papa!" sigaw pa niya, pero masigla pa ring nagtatakbo sa red carpet na patungo sa office ni Dylan.
Napailing na lamang ako at sinundan siya. Naroon naman sa labas ng pinto ang quarter ni Nico kaya palagay ang loob ko.
Katulad ng inaasahan ko, bago pa mag-slide sa bilis ng pagtakbo si Deden ay nasambot na ito ni Nico.
"Salamat, Nico. Napakalikot talaga nitong inaanak mo," nanggi-gigil na saad ko at saka matalim na tiningnan si Deden.
Gets na niya iyon na hindi ako natutuwa, kaya naman napayuko na lamang ang malikut na bata at sumiksik sa aking tagiliran.
"Ayos lang Rylan, ganyan din ako noong bata. Mas malala pa nga," tugon naman ni Nico at ginulo pa ang buhok ni Deden.
Tiningnan ko rin naman siya ng masama bilang warning. Baka dahil sa pag iispoil nila kay Deden kaya lumaki itong pasaway. Dapat mula kabataan ay dinidisiplina para matututong makinig sa magulang at sa mga nakakatanda.
Mabilis naman niyang inalis ang kamay kay Deden at saka napahaplos pa sa batok habang iniiba ang usapan. "N-Nga pala, kanina pa kayo hinihintay ni Boss hehe."
Tumango ako at saka inalalayan si Deden na pumasok sa opisina, nakayakap kasi siya sa aking bewang at nagpapa awa. Manang-mana talaga ama niyang si Dylan na hari ng pagpapa-awa.
"Ry ko! Buddy!!! Buti dumating na kayo. Medyo nag alala na ako kaya balak ko na sana pumunta sa school."
Naabutan namin siya na nakatayo na sa kanyang silya at nag aayos ng mga gamit.
"Sana tinawagan mo na lang ako, baka magkasalisi pa tayong dalawa," saad ko naman habang ibinababa ang bag ni Deden sa sofa.
"Oo nga pala, sorry na mahal ko. Nag aalala na ako," mabilis naman niyang saad at naglalambing pang yumakap sa aking likod at sumiksik sa aking leeg.
Hindi ko maiwasang di iikot ang aking mata sapagkat sa kanya talaga nagmana ang anak niya pagdating sa pagpapa-awa na iyan.
Tinapik-tapik ko na lang ang kamay na nakapulupot sa katawan ko saka hinalikan ang kanyang pisngi. Nginitian naman niya ako ng napaka ganda kaya naman muling kumabog ang aking puso. Iba talaga ang karisma niya, walang kupas.
Dahil wala akong nilutong pagkain sapagkat nanggaling ako sa shop, sa halip na umuwi at magluto kaya umorder na lamang si Dylan.
"Kain pa Ry ko, bakit di ka nakain ng maayos? May nangyari ba?" nag aalala niyang ani, habang sumasandok ng ulam.
"Ah, may iniisip lang ako," sagot ko naman at saka pinunasan ang kamay ng anak namin na tapos na kumain. 'Kanina pa ba akong nakatulala?'
Hindi naman siya sumagot at saka tumingin kay Deden. "Hm, buddy, puntahan mo muna ang Tito Nico mo sa labas," ani Dylan sa aming anak.
"Eh, hindi pa ba naglu-lunch si Nico?"
"Hindi Mahal ko, nauna na siyang kumain kanina." Kinindatan pa niya ako kaya nakuha ko ang nais niya, para siguro makapag usap kami ng maayos kaya pinapaalis niya si Deden.
"Ah ganun ba, sya sige na anak. Tingnan mo ang Tito mo." Mabilis namang sumunod ang energetic naming anak.
"May problema ba?" seryosong tanong ni Dylan.
"Wala naman, may kakaiba lang akong napansin kanina nung inihatid ko si Deden sa school," tugon at saka tumingin sa aking plato na halos walang bawas.
"Ano yun?" kunot-noo at mabilis siyang lumipat ng upuan para tumabi sa akin.
"Iba ang tingin na ibinigay nila sa akin ngayon. Hindi naman masama, sa totoo nga ay masaya silang makita ako."
Lalong nagbigay ng malapad na ngiti sa aking labi ng maalala ko ang usapan ng mag inang nakasalubong namin kanina sa school kaya ikinuwento ko iyon sa kanya.
"Mama, di ba siya po yung magandang Papa na sumali sa contest?" ani ng batang babae habang nakatingala sa nanay nito.
"Oo anak, hindi lang maganda. Mabait at mabuting tao pa. Kaya anak, pag laki mo wag kang huhusga agad-agad ha."
Nang masabi ko ang nangyari sa kanya. Gumuhit ang paghanga sa kanyang mukha.
"Isa lang ang dahilan na aking naisip Mahal ko, Baka dahil sa mga nangyari sa pageant kung saan ay mas nakilala ka nila kung sino ka talaga kaya ngayon ay inirerespeto ka nila," aniya at saka inihilig ang ulo sa aking balikat.
"Bukod sa nanalo ka, malaki ang epekto ng exposure dahil sa pageant na iyon, para mas makilala ka nila."
Dahil sa kanyang pahayag kaya hindi ko siya masisi mula sa pangse-set up nila ni Lily sa akin sa pagsali sa contest na iyon sapagkat may malaking punto siya.
"Talaga? Sya sa tabi ko nang makakain ako ng maayos."
Akala ko aso lang sya, may pagka- Octupos din pala. Halos lahat ng galamay niya ay nakapulutot sa aking katawan.
"Hehe, sabi ko nga, Ry ko."
▼△▼△▼△▼△
KINABUKASAN...
"Dylan, busy ka ba sa trabaho?" tanong ko habang inaayos ang lunch box nila.
"Hindi naman Ry ko, bakit?"
"Sabi sa akin ni Deden kanina, ipapakilala nya daw sa atin yung bago niyang kaibigan. Gusto mo bang sumama sa school?"
"Oo naman," excited pa niyang tugon kaya naman nang matapos ko ang aking ginagawa ay nilapitan ko siya upang isuot ang kanyang coat.
"Sure ka? Baka iiwan mo na naman ang gawain kay Nico," mapang asar ko pang bulong sa kanya.
Nagulat naman ako sapagkat halos mabali ang leeg niya sa bilis ng kanyang paglingon sa akin.
"Hindi Ry ko," nakanguso pa niyang pagrarason sa akin.
Napatawa na lamang ako sapagkat alam ko naman na hindi siya ganun. Kung aalis man siya ay sinisigurado niyang maayos niyang iniwan ang mga trabaho sa kumpanya.
'Baka naman tapos na ang bagong partnership na kanyang ikinuwento sa akin nung isang araw,' isip-isip ko pa habang inaayos ang kanyang necktie.
PAGKALIPAS ng ilang sandali ay nakarating na rin kami sa eskwelahan. Masaya at excited si Deden na ipakilala ang bagong kaibigan.
Halos hinihila na niya kami patungo sa classroom para lang magmadali. "Hinay-hinay lang anak, makakarating din tayo doon."
Dahil sa matinding excitement ay halos hindi na niya kami pinakinggan.
"Ayun po ang bago kong kaibigan!" masiglang anunsyo niya.
"Saan?" tanong pa ni Dylan.
"Ayun po!"tugon ng aming anak sabay turo sa may pinto ng classroom at mukhang inihahatid pa ito ng isang lalaki.
"Si Pritz po!"
"Ah Pritz ba ang pangala--"
"Teka! Pritz?" gulat na saan namin ni Dylan ng sabay at saka tiningnan ng maayos ang batang naroon sa may classroom.
'Ibigsabihin yung lalaking kasama niya ay si Geoff!?' sigaw ko pa sa aking isipan. At dahil rin doon ay naalala ko ang insidente kahapon. Si Pritz pala iyong pamilyar na mukhang nakita ko kahapon.
Naku nga ay ayaw pa naman ni Dylan kay Geoff dahil sa nangyari nung huli naming pagkikita. Tapos ngayon nasa iisang klase pa sila ni Deden.