RYLAN POV
NANG makaalis sa shop at nag lalakad na ako ay ilang dipa pa lamang doon ay nakasalubong ko naman si Sean.
"Sir!"
"Ui Sean," nakangiti ko ring bati sa binata. "Aalis na ako ah, ingat kayo lagi ni Lyn sa shop."
"Sige po sir, kayo din po, ingat kayo," masigla rin niyang tugon at kumaway pa habang papalayo sa akin.
Malapit na ang bakasyon kaya posibleng lagi ko na siyang makikita dito sa shop. Marami nang oras na magkasama sila ni Lyn. Napangisi pa ako habang nagmamadali sa pagpunta sa parking lot sapagkat 'ship' ko silang dalawa para sa isa't isa.
Nang makalabas sa mall at mawala ang malamig na aircon ay mabilis nagbago ang aking ekspresyon nang humampas sa aking ang mainit na simoy ng hangin.
Kapag umaga ay kay lamig na tila ba ay mag papasko na habang kapag naman nagtanghali na, daig pa ng nasa sauna dahil sa init at matinding pagtagaktak ng pawis.
Nagmamadali akong sumakay sa aking kotse at binuhay ang aircon doon. Nag maneho ako patungo sa school para sunduin si Deden at sabay-sabay kaming kumain nina Dylan sa opisina niya.
MAKALIPAS ang ilang sandali, salamat sa short cut na daang nalaman ko kaya naman mabilis akong nakarating sa school.
Pero nang pababa na ako sa kotse ay may kakaibang pagkailang na naman akong naramdaman. Hindi mawala sa aking isipan ang isang bagay.
'Baka ganun na naman ang reaksyon nila, pero ano bang pakialam ko. Dati nga ay natatagalan ko ang mapanghusga at masama nilang mga tingin. Ngayon pa kaya,' saad ko sa aking sarili at walang takot na binagtas muli ang daan patungo sa classroom ng aking anak.
Kahit ng inaasahan ko, ganun na naman ang tingin na ibinabato nila. Hindi ko na lang sila pinansin at mas binilisan ang paglalakad.
"Papa!!!"
Napangiti agad ako nang marinig ang munting boses na iyon. Wala talagang kapantay ang kapanatagan na aking nararamdaman kapag nakikita at nakakasama ko ang aking pamilya. Tumakbo pa siya palapit sa akin kaya naman napatigil ako at hinintay ang yakap niya.
"Anak," masayang ani ko at niyakap rin siya ng mahigpit.
"Kumusta ang anak ko?" paglalambing ko pa sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok.
"Okay lang po Papa, may bago po kaming friends ni Bryce," balita pa niya.
"Oh talaga, ipapakilala mo ba sya kay Papa?"
"Opo, kaso nakaalis na sila," malungkot na aniya pa.
"Ah, sya bukas na lang anak. Halika na, baka kanina pa tayo hinihintay ng Daddy mo."
Tumango naman siya at saka humawak sa aking kamay. Sakbit ko ang bag niya sa aking isang balikat nang biglang may tumawag sa akin mula sa likuran.
"Mr. Hendricks!"
"Ah-- Mrs. Leandro?" gulat na saad ko nang makita siya.
"R-Rylan, mabuti naabutan kita," medyo hinihingal na aniya. Kaya naman tumigil din kami sa paglalakad ni Deden at hinarap siya.
"Bakit? May kailangan ka ba sa akin?"
"Wala naman, p-pero, may sasabihin lang sana ako sayo," seryosong aniya at halata pa ang hiya sa kanyang boses. Mukhang usapang pang matanda lamang ito kaya naman hinayaan ko muna si Deden na maglaro sa paligid kasama ang iba niyang kaklase na wala pang magulang na sumusundo.
"Ano yun?" nagtatakang tanong ko. Baka may natitira pa siyang galit sa akin. Akala ko pa naman ay ayos na kami.
"Alam kong nagmamadali ka, kaya mabillis lang 'to. Gusto ko lang sana magpasalamat sa payo mo nung nakaraan."
Napataas ang aking kilay, nakahinga din ako ng maluwag. 'Salamat din at mukhang nabawasan na naman ang mga taong may galit sa akin dahil lang katunayang lalaki ang asawa ko at kakaiba ang pamilya namin sa standard na meron ang lipunan.'
"--- salamat kasi, natauhan ako. Mabuti na lang at naisalba ko pa ang aking pamilya. Ngayon ay bumabawi ako sa aking mag ama upang maging mabuting magulang at ina. Salamat ta--"
Payo lamang iyon, hindi niya kailangang magpasalamat ng ganito kaya naman pinigil ko na siya.
"--hindi mo naman kailangan magpasalamat pa. Nag payo lang ako, na sayo pa rin kung susundin mo o babaliwalain. Kung ngayon ay maayos na ang sitwasyon mo, ibigsabihin lang no'n ay may ginawa ka para mabago iyon. Ikaw ang gumawa ng paraan hindi ako, kaya dapat maging proud ka sa iyong sarili."
"Kahit na... Alam kong sobra ang mga ginawa ko sayo, pero sa huli pinatawad mo pa rin ako at pinayuhan pa. Kaya salamat talaga, Rylan." Halos maglumuhod na siya dito kaya naman napakamot ako sa ulo.
Napakarami ko nang pinagdaanan sa buhay kaya naman ang pagmamataas niya at panghuhusga sa akin noon ay hindi na ganun kabago pa sa akin. Hindi rin ako mapagtanim ng sama ng loob kaya naman madali akong maka move on sa mga bagay-bagay.
Malinis ang aking konsenya kaya masarap din ang tulog ko sa gabi. Sa totoo lamang nasa tao naman iyon, depende sa kanila kung hahayaan ba nilang i-hold back sila ng mga salita galing sa ibang tao. Nasayo ang desisyon sa huli kaya laging piliin ang tama.
Dahil sa kakulitan niya ay wala na akong nagawa at marahan na lamang na napailing at binigyan siya ngiti bago magsalita. "Napatawad na kita sa lahat at masaya ako para sa inyo. Ipagtuloy mo lamang yan Mrs. Leandro."
"Oo naman," nakangiti at porsigidong tugon niya kaya napalagay ang aking kalooban.
Hindi lingin sa aking sarili na talagang hindi ko deserve ang masasakit na sinabi nila at masasamang bagay na kanilang ginawa sa akin. Pero, para sa akin mas masaya maramdaman na sa halip mag higanti ka ay patawarin mo ang mga taong nagkasala sayo. Sabi nga nila 'kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.'
Matapos ang pag uusap na iyon ay nakangiti at maluwag ang damdamin at
habang naglalakad, nang mapasilay ako sa mga ibang magulang na aming nakakasalubong.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman nang makita ang malambot nilang tingin sa akin at magagandang ngiti sa labi. Napalingon pa ako ng marinig ang sinabi ng anak nito nang makalampas kami sa kanila.
Napakagat labi ako dahil sa bugso ng damdamin na aking naramdaman. Kaya naman bago ba bumagsak ang aking luha ay nagmadali na kami ng aking anak sa patungo sa kumpanya.