Chapter 20

1201 Words
RYLAN POV LUNES ngayon at may pasok na muli sa school si Ryden kaya naman heto kami nakasakay sa kotse patungo sa eskwelahan. Maagang umalis si Dylan sapagkat may mga aasikasuhin siya sa opisina. "Hays! May sikat na ang araw, pero ang lamig pa rin," kumento ko pa matapos mai-park ang kotse at saka lumabas doon. Naihapalos ko pa ang dalawang kamay sa magkabila kong braso dahil sa kakaibang lamig na meron ang panahon ngayon. 'Sira na ata ang panahon sa mundo ngayon. Magta-tag init pa lamang at malapit nang mag bakasyon ang mga bata mula sa paaralan.' isip-isip ko pa habang napapakamot sa ulo. Magsu-summer pa lang, pero may malamig na simoy pa rin ng hangin sa umaga. "Oo nga po, Papa. Ang lamig," tugon naman ng anak ko habang nanginginig pa. Napatawa naman ako ng bahagya sapagkat ang kyut niyang tingnan. Katulad ng sa mga cartoon character na nangangatal ang tuhod dahil sa lamig. Mabuti na lamang at may balabal na nakatago sa compartment ng kotse. Kinuha ko iyon at inibinalot na nilalamig kong anak. "Halika, Deden," ani ko habang isinasampay sa kanyang balikat at scarf na aking hawak. Nagpasalamat naman siya at saka nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa kanilang classroom. Habang binabagtas ang malawak na pathway sa loob ng school ay hindi ko maiwasang di magtaka dahil sa aking napapansin sa paligid. Para bang lahat ng nakakasalubong namin na mga bata at magulang ay napapalingon sa aming dereksyon. 'Hm? Hindi naman kasama si Dylan ngayon kaya bakit sila nalingon?' nagtatakang ani ko sa aking isipan at mabilis din na lumingon sa aking likuran. Nagbabakasakaling baka naroon nga ang aking asawa. Ngunit wala naman, kaya tuluyang napakunot ang aking noo. Pero nang aking pagmasdang maigi ang kanilang ekspresyon. Hindi ko maintindihan ngunit bakit halo-halo ata ngayon ang reaksyon nila nang muli nila akong makita. Hindi tulad noon na purong inis at panghuhusga, ngayon ay parang mas magaan na ang ekspresyon nila sa mukha kaya naman napataas ang aking kilay. 'Baka na eenkanto na ako, nakaka-kita na ako ng ilusyon.' Dahil baka ma-late pa si Deden kung hindi namin bibilisan ang paglalakad kaya naman di ko na lamang binagyang pansin ang kakaiba nilang ikinikilos. Pagdating sa classroom ay sinalubong pa ako ni teacher Rachel ang adviser ni Deden. "Mr. Hendricks, congratulations po ulit!" magiliw na bati pa niya sa akin. "Naku, salamat po ma'am," nahihiya ko namang tugon. Hindi ko rin inaasahan na mananalo ako doon. "Tama nga po ang sabi ni Mrs. Cruz, kayo daw talaga dapat ang ilaban sa pageant," aniya na ikinagulat ko. Si Lily ang Mrs. Cruz na tinutukoy niya. "Ah t-teka po ma'am? Anong ibigsabihin nyo?" "Ah, di po ba niya nasabi. Ipina register na niya kayo sa pageant beforehand. Surprise nya daw kaya hindi ko na nabanggit sa inyo," makatotohanan pang aniya. Ako naman ay bahagyang napatango na lamang. 'Gaga ka talaga Lily, sabi mo sa akin bawal ang magpa register ng iba. Tapos sa pageant pa talaga.' gigil na ani ko sa aking isipan. "Ah ganun po ba," sagot ko pa. 'Patay talaga ang babaeng yan kapag nakita ko sya.' "Opo," ani teacher Rachel at saka nag paalam na. "Oi cutie! Naunahan ko kayo ngayon ah!" magiliw at mala- megaphone sa lakas na pagbati ng aking lukang best friend. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa pang se-set up niya sa akin. "Himala nga, anong nakain mo at maaga kayo ngayon?" pang aasar ko pa sapagkat alam kong hindi siya morning person kaya nga lagi silang nahuhuli ni Bryce. "Haha buti naitanong mo!" aniya na may kasama pang pagtaas-baba ng kilay kaya medyo nakaramdam ako ng takot. Heto na naman kasi siya sa kanyang mga kalukohan, pero naitago ko ang masama kong ngisi nang may maalalang isang bagay. "Alam mo ba s---" "Hep! Alam mo Lily may nalaman din ako," Napangisi pa ako ng malapad habang pinagmamasdan ang mukha niyang puno ng pag tataka. "Talaga! Ano yun?" Mabilis siyang lumapit sa akin at naghihintay pang ibulong ko sa kanya ang aking sasabihin. 'Chismosa din talaga ang babaeng ito,' napapailing na isip-isip ko. Nakisakay na lang din ako at inilapit ang aking mukha sa kanya para ibulong ang aking rebelasyon. Kita ko pa ang paghagikhik niya na akala mo ay excited na excited. Hindi niya alam na tungkol sa kalukohan at sabwatan nila ng magaling kong asawa ang aking ichi-chika. "Kayo ni Dylan ang may pakana kung bakit ako napasali sa contest, di ba?" Dahil sa aking sinabi ay para siyang isdang nakuryenta kaya mabilis na napalayo siya sa akin. Ang mata niya ay hindi magkaintindihan kung saan titingin habang nagpapaliwanag. "H-Ha? Wala akong alam dyan, cutie!" Binigyan ko lang siya ng tingin na nagsasabing... 'Really?' Dahil alam niyang wala na siyang kawala kaya naman natatawa pa siyang nagpaalam sa akin. "Hehe sabi ko nga, may aasikasuhin pa ako. Bye! Mauna na ako!!!" Nagmamadali siyang tumakbo na akala mo ay hinahabol ng toro. 'Psh, ang bilis talaga tumakas kapag alam niyang nasa trouble siya,' bulong ko pa sa aking sarili habang napapailing. "Papa, papasok na po ako." "Oo naman anak, magbabait ka ha. Laging behave," paalala ko pa sa kanya at saka hinalikan ang kanyang noo. Nakangiti at masayang tumakbo papasok ng classroom ang aking anak at sinalubong pa siya ng seat mate niyang si Bryce. Kumaway ako sa kanilang dalawa bago ako magpaalam sa kanilang advicer na si Ms. Rachel. "Ma'am, aalis na po ako." "Sige po, Mr. Hendricks." Tumango naman ako, ngunit hindi ko mawari sapagkat nang sumilip ako muli para tingnan si Deden ay may nahagip ang aking paningin. Parang may pamilyar na mukha doon sa loob ng classroom. Nang titingnan ko na ng maayos ay bigla namang tumunog ang cellphone sa aking bulsa kaya nagmadali na ako sa paglalakad palayo para di maabala ang klase. ▼△▼△▼△▼△ "Sir Rylan, ito po ang mga kulang na dessert sa menu." Napalingon ako nang marinig ang boses ni Lyn at saka tinanggap ang papel kung saan nakalista ang mga produkto na dapat ire-stock. Medyo natulala ako dahil sa pag iisip ng mga nangyayari sa school. 'Pakiramdam ko pagpumunta ulit ako doon mamaya ay pagtitinginan na naman nila ako. Hays, bahala na sila.' "Sir, may problema po ba?" nag aalala pa niyang tanong sa akin. "Naku wala ito," napapailing ko pang tugon. At mabilis na iniba ang usapan. "Lyn. Nasaan nga pala si Sean?" Dahil maganda ang performance ni Sean mula noong opening ng shop ay napag pasyahan namin ni Dylan na gawin na siyang regular. Part-timer pa rin siya sapagkat nag aaral siya sa college, pero may aasahan na siyang sure na trabahong babalikan basta wala siyang pasok sa school. Nakakatuwang maalala ang masaya niyang mukha nang naihayag namin ang magandang balita. Dahil working student si Sean kaya naman naisip rin ni Dylan na gawing schoolar ito ng kanyang kumpanya. Si Lyn na matagal nang schoolar at sa parehas pa silang college nag aaral ngayon. "Ah nagpunta po sa siya Cr. Baka po pabalik na yun." "Ganun ba. Malapit na pala mag lunch," ani ko nang mapatingin ako sa relong aking suot. "Kumain kayo ah. Aalis na ako para sunduin si Deden." "Sige po, sir."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD