SPECIAL CHAPTER: DYLAN'S VALENTINE'S DATE PART 3

1631 Words
RYLAN POV HINDI ko naipigilan ang sarili na hindi magulat dahil sa aking nakita. Si Dylan ay bihis na bihis at nakatayo malapit sa isang table na nakaayos parang isang date. May hawak siyang isang pirasong pulang rosas at nakangiti sa aking gawi. 'Ilang rosas kaya ang nagamit ni Dylan para ilagay sa sahig? Marami siguro, kaya iisa ang natira sa kanya.' napapahagikhik ko pang saad sa aking isipan. Lumapit siya sa akin at ibinigay ang bulaklak na hawak. Bakas sa kanyang ekspresyon ang pinaghalo-halong emosyon ngayon. Mayroong kaba at excitement akong nakikita sa kanyang mga mata. Nakangiti pa niya akong hinila palapit sa table na nakahanda dito sa gilid ng bahay. "Wah...Dylan, ang ganda naman nito," mangha ko pang saad habang napapalinga sa paligid. "Talaga Ry ko buti nagustuhan mo!" masaya naman niyang tugon na tila ba ay nanalo sa loto. Ngising-ngisi siya at parang proud na proud pa sa sarili. "Oo naman approve sa akin 'to, ang galing mo mag-set up Dylan ah. Sorry hindi kita natulungan kanina. Ano kelan dadating ang kadate mo?" Mula sa magandang ngiti na nakapaskil sa kanyang labi ay bigla siyang napasimangot kaya nagtaka ako. 'May nasabi ba akong mali? Pinuri ko naman siya ah, bakit parang di niya nagustuhan?' Kita kong napabuntong hininga pa siya habang napapakamot sa batok bago magsalita. "Naman Ry ko." "Bakit? May nasabi ba akong masama?" Kinakabahan ko namang tanong sa kanya. Baka kasi nasira ko na ang mood ng date. 'Dapat pala ay hindi ko na sinundan iyong mga petals ng bulaklak kanina.' napapayukong saad ko sa isipan. "Wala Ry ko, wala na akong hihintayin kasi nandito na siya." Mabilis naman akong napatunghay at ilinga sana ang paningin sa paligid upang hanapin ang sinasabi niya kasi bigla akong napahiya. Hawak ko pa naman ang rosas na ibibigay niya para sa taong iyon. Iyon nga lang bago pa ako makalingon ay hinawakan na niya ako sa magkabilang balikat. "Ry ko, ikaw yun, ikaw!" gigil na sabi pa niya sabay yugyog sa aking balikat. Dahil sa gulat at pagkabigla ay napatulala na lamang ako. Nang magising ako sa katotohanan ay nakita ko ang sarili kong maayos nang nakaupo sa likod ng mesa habang kaharap ang gwapo at napakabait kong boss. "Hays, pasensya Ry ko alam kong baka hindi mo trip yung mga ganitong bagay, pero gusto ko pa rin na maging espesyal ang araw na ito para sa atin," sinserong aniya habang nakatitig ng deretso sa aking mga mata. Napalunok na lamang ako ng wala sa oras dahil sa tindi ng kanyang mga tingin na para bang tagos hanggang sa aking kaluluwa. Kahit hindi makapaniwala dahil sa mga nangyayari ay nagawa ko pang makaramdam ng saya. Napangiti na lamang ako. Hindi ko kasi akalain na maghahanda pa siya ng ganto para lang sa akin. Hindi lang ako masaya, sobrang saya pa. Alam kong hi di ako babae para i-date, pero hindi ko mapigilang kiligin at mapangiti dahil sa kanyang ginawa. Kahit ayaw kong umasa ay binibigyan naman niya ako ng rason para gawin iyon. "Wag kang malungkot Dylan, masaya ako dahil sa inihanda mo, hindi ko lamang talaga inaasahan ang ganitong bagay," seryoso kong saad sa kanya kaya naman nasaksihan ko ang dahan-dahang paglalaho ng lungkot sa maganda niyang mga mata. "Talaga Ry ko, hindi ka galit?" despiradong tanong niya at mabilis na hinawakan ang aking dalawang kamay. Dahil sa lamig ng gabi at simoy ng hangin ay nakapagdala ng kapanatagan ang init na mula sa kanyang mga palad. "Oo naman, nag effort ka nga para dito tapos magagalit pa ako, hindi naman ako baliw," natatawang tugon ko sa kanya kaya naman hindi na rin niya napigilang di sumabay sa akin. "Buti naman kung ganun. Halika kumain muna tayo," pag aalok pa niya sa akin habang inihahanda ang mga pagkain sa mesa, gusto ko siyang tulungan, pero pinigilan niya ako. Date daw niya ako kaya siya na ang bahala sa lahat. Hindi ko akalain na mangyayari ang bagay na ito kaya naman pakiramdam ko ay tila ba ako'y nasa loob ng isang magandang panaginip. Nakakatuwa siyang pagmasdan. Hindi kasi skya magkaintindihan sa pag aasikaso sa akin habang kumakain, ipagsasandok niya ako ng ulam at kanin tapos nilalagyan din niya ng tubig ang baso ko. "Woah! Ang sarap naman nito Dylan, saan mo inorder ito?" aniko sabay turo sa paborito kong ulam. 'Plus points agad yun kung nasa totoong date si Dylan, alam kasi niya ang paboritong pagkain ng ka-date niya.' "A-Ah, hindi ko yan inorder Ry ko. Ako ang nagluto nyan," nahihiya pa niyang bulong. Nanlaki naman ang aking mga mata at mabilis na sinilayan siya, tapos yung ulam ulit, tapos siya ulit. 'Tama ba ang rinig ko? Siya ang nagluto?' "T-Talaga Dylan? A-Ang galing mo, pwede ka nang mag asawa!" pagpuri ko naman sa kanya sabay thumbs up pa. Halos maluha ako dahil sa nararamdamang paghanga. Napansin ko pa na medyo namula ang kanyang pisngi. "Kailan mo ba gustong magpakasal tayo?" 'Ang cute lang.' isip-isip ko pa. Parang narinig ko din na may ibinulong siya ngunit hindi ko naman narinig ng malinaw kaya ipinagsawalang bahala ko na lang. "Salamat nagustuhan mo, matagal ko ring pinagpraktisan yan, Ry ko," sagot niya at napahinga pa ng maluwag. "Proud na proud ako sayo Dylan," masaya ko namang saad sa kanya kaya naman bigla siyang napatayo sa kinauupuan at mabilis na lumapit sa akin. Nagulat ako ng hilahin niya ako patayo, hindi naman ganun karahas ang paghigit niya. Nang makatayo na ako ay bigla na lang ako nitong niyakap ng mahigpit. "Ry ko, pinagbutihan ko talaga ang pagluluto para sayo," bulong niya habang nakapatong ang baba sa may balikat ko. "Maraming-maraming salamat Dylan," turan ko at saka tinugunan ang kanyang mainit na yakap. Nakalagay ang kanyang mukha sa paborito niyang pwesto pagyumayakap siya sa akin. Saan pa nga ba kung hindi sa may leeg ko kung saan ay walang sawa niya itong inaamoy. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming sa ganitong posisyon, napahiwalay ako sa kanya ng biglang may tumugtog na mahina at malumanay na kanta. "Ry ko, pwede ba kitang isayaw," tanong pa niya sabay lahad ng kanyang kamay sa aking harapan. Sino ba ako para tumanggi pa, edi ba nagde-date na nga daw kami di ba? Tinanggap ko iyon at dinala niya ako sa may gitna para makapagsayaw na kami, ang totoo ay di ako marunong, pero tuloy lang ayoko naman na ma-sayang ang pagkakataon na ito. "Dylan hindi ako marunong sumayaw ha, pagnatapakan kita wag kang magrereklamo." "Okay lang Ry ko, kahit ilang beses mo pa akong tapakan ay tanggap ko, maisayaw lang kita." May kinilig naman na nagpagising sa aking buong katawan. Napakagat labi na lamang ako upang di sumilay ang ngiting kanina ko pang pinipigilan. 'Ui Rylan, nababakla ka na talaga dyan sa boss mo,' mapang asar na bulong pa ng aking makulit na utak, dahil masaya ako kaya hindi ko na siya lang pinansin pa. Inilagay niya ang aking kamay sa kanyang isang balikat at hinawakan naman ang isa. Yung isa naman nyang kamay ay nakahawak sa aking bewang. Nagsimula na siyang gumalaw at sinundan ko naman iyon, hindi kami nagmamadali kaya naman nilasap namin ang bawat sandali na nakatitig sa isa't isa. Parang nawala na ang paligid namin at kami na lang dalawa ang natira sa lugar na ito. Hinigit niya ang aking katawan palapit sa kanya kaya naman halos wala ng pagitan pa sa aming dalawa. Hinalikan niya ang aking noo, mata at ilong saka pinaglapat ang aming mga noo pagkatapos. "Ry ko, masaya akong makasama ka ngayon at sa mga susunod pang okasyon at taon ng buhay ko," bulong niya habang nakapikit ang mga mata at patuloy sa dahan-dahang sa pag sayaw. "Masaya din ako Dylan." Binitawan niya ang aking kamay at inilagay ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong bewang at mahigpit ulit akong niyakap. Habang magkalapat pa rin ang aming mga noo ay nagmulat siya ng mata at... "Happy Valentine's day Ry ko," nakangiti niyang pahayag. "Happy Valentine's day rin Dylan," tugon ko naman sa kanya. Inilapit nya ang kanyang mukha at madahang idinampi ang kanyang labi sa aking labi. -------- "At iyon nga anak ang una naming date ng daddy mo," saad ko pa habang pinipigilang di pamulahan ng mukha dahil sa hiya habang ikinukwento ang masayang tagpong iyon sa buhay namin ni Dylan. "Ang romantic po ni Daddy!" excited namang sigaw ng anak ko, habang napapatalon pa. Nandito kami sa kwarto niya ngayon. Hindi ko inaasahan na bigla niyang ipapakwento ang first date namin ng daddy niya. "Sinabi mo pa anak, sa sobrang kagustuhan niyang magpa impress kaya natuto siyang magluto," tumatawa ko pang saad. "Ui Mahal ko ano yan?" tanong ni Dylan nang makapasok siya sa kwarto ni Deden. "Ikinukwento ko lang kay Deden ang una nating date." "Ah oo nga, Valentine's day iyon di ba? Mahal ko," saad pa niya at saka tumabi sa akin. "Hm," napatango pa ako bilang pag sang ayon. "Papa, ano nga pala ang regalong binili mo para kay Daddy?" "Ah di ko pa ba naisama sa kwento?" "Ito yun," turan ko at ipinagpatuloy ang kwento. ▼△▼△▼△▼△ "Dylan, may regalo nga pala ako sayo," sabi ko naman nang maalala ko na may binili nga pala ako para sa kanya. "Nag-abala ka pa talaga Ry ko, pero maraming salamat," nahihiya pa nyang sagot, pero alam kong excited siya. Nandito kami sa kwarto niya ngayon, ibinigay ko kasi sa kanya ang birthday gift na binili namin ni Nico para sa business partner niya, kaya naisip kong isabay na ang Valentine's gift ko. "Eto oh," sabay abot sa kanya ng isang paper bag. Sabik naman niya iyong binuksan at napatawa pa sa nakita. "Happy Valentine's day ulit Dylan!" sigaw ko, habang isinusuot niya ang isang checked pattern na pajama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD