RYLAN POV
GUMUHIT ang pagtataka sa aking sa aking mukha sapagkat maagang umuwi si Dylan ngayon, mga 4:30 pa lang ng hapon ay narito na siya. At hindi lamang iyon ang aking ipinagtataka.
Nang dumating kasi si Dylan kanina ay nakasunod sa kanya si Nico na maraming dalang mga paperbag at iba't ibang regalo. Halos mapuno ang dalawang sofa dahil sa lahat ng kanilanh mga dala.
"Dylan! Welcome home!" masiglang bati ko sa kanya. Nginitian naman niya ako ng matamis bago sumagot.
"-- saan galing ang napakaraming mga regalong iyan?" tanong ko pa, sa tanang buhay ko ngayon lamang ako nakakita ng ganyan kadaming mga regalo. 'Birthday ba niya?' isip-isip ko pa.
"Ah, sa opisina Ry ko, Valentine's day kasi ngayon di ba?" sagot naman niya habang nag iinat ng braso dahil sa bigat ng mga dala kanina.
"Hindi mo man lang ako babatiin, Rylan?" nakasimangot na reklamo pa ni Nico kaya napatawa ako. Mula noon talaga ganito na siya, kapag hindi ko agad siya napansin ay nagmumuk-mok agad.
"Ikaw talaga Nico."
"Haha Joke lang, at saka alam mo ba Rylan, napakaraming taga-hanga ni boss sa opisina kaya ayan tambak ang mga regalo kapag may okasyon katulad nito," tumatawang saad pa niya habang naka akbay sa akin.
Pero, habang nag uusap kami ay bigla namang napa aray siya dahil sa isang hampas sa kanyang ulo, kaya lumingon ako. Nasa likod na pala namin si Dylan.
"Tanggalin mo nga yang kamay mo," aniya at pinanlisikan pa ng mata si Nico.
"Sorry na Boss," nakanguso pang bulong ni Nico at mabilis na tinanggal ang braso sa aking braso.
Ako naman ay tumakbo at sabik na isa-isang sinilip ang mga laman ng bawat paper bag at box na nandito.
"Wow! Sobrang sikat mo pala talaga Dylan, napakaraming nagmamahal sayo. Siguro maraming babae ang may crush sayo." mangha ko pang sabi sa kanya. Mabilis naman niyang nilingon si Nico na busy sa pagkalkal din sa ibang regalo.
Ang mga tingin niya ay tila ba nagpapahayag ng... ' Nico! Kailan mo pa bang sabihin ang mga bagay na iyon!'
Pero, dahil abala si Nico sa ginagawa kaya napatawa na lamang ako ng bahagya sapagkat hindi siya pinansin nito.
"Hindi naman, Ry ko. Wag mong isipin ang sinabi ng gagong yan. Siguro ay pasasalamat lang nila kaya nagbibigay sila ng regalo." Nginitian pa niya ako ng pilit habang napapakamot sa batok.
Napatango na lang naman ako at muling pinagmasdan ang ga-bundok na mga regalong nasa aking harapan. Siguradong dahil sa kabaitan ni Dylan kaya maraming nagmamahal sa kanya.
"Pasensya na Dylan, wala pala akong naihandang regalo para sayo," nahihiya ko pang saad sa kanya nang mapagtanto ko ang sitwasyon.
"Walang problema yun Ry ko, alam mo naman na ikaw lang sapat na," aniya sabay kindat pa kaya naman pinamulahan pa ako ng mukha dahil sa kanyang ginawa.
"Ayyyieeeee, pwede mamaya na kayo maglambingan, buksan na natin itong mga regalo!" Sigaw pa ni Nico kaya napatawa na lang kami Dylan.
"Sige Ry ko samahan mo na si Nico magbukas ng mga regalo, magbibihis lang ako."
"Sige!" masaya pa naming sigaw ni Nico at nag apir pa kami, masaya kasi talagang magbukas ng mga regalo. Parang pasko lang ang feeling.
Pag akyat ni Dylan sa kanyang kwarto ay sinimulan na namin ni Nico buksan isa-isa ang mga regalo. Maraming cake, brownies, cupcake at chocolates. Meron ding mga towel, panyo, ballpen at marami pang iba. Ang astig naman ng mga ito, makakaipon kana ng mga gamit sa sobrang dami nito.
Habang nagbubukas kami ni Nico ng mga regalo ay di nito mapigilang tikman ang ilang pagkain. Kinakain niya yung ibang cupcake at kinakagat ang mga chocolate. Ang kulit lang.
"Uyy Nico, hindi kaya magalit si Dylan dyan sa ginagawa mo?"
"Haha hindi naman, sanay na yun sakin. at saka kapag sobrang dami nyang natatanggap na regalo katulad ngayon ibinibigay niya sa akin ang kalahati para daw sa mga kapatid ko," nakangiti pa niyang saad. Napangiti naman ako dahil sa kanyang pahayag.
"Talaga, ang mabait talaga ni Dylan."
"Sinabi mo pa, Rylan. Tanda ko pa nga nung college kami, pag wala akong baon dahil kapos ako sa pera, nililibre niya ako ng tanghalian at pamasahe pauwi."
Likas na talaga ang kabutihan at kabaitan ni Dylan, kaya naman hindi na nakakapagtaka na mariming humahanga sa kanya. Pero, hindi lang naman ugali nya ang kahanga-hanga pati ang kanyang itsura, kaya naman nakakapagtaka na wala syang girlfriend.
"Marami ba talagang taga-hanga si Dylan sa opisina nyo?"
"Naku kung alam mo lang, maraming-marami talaga Rylan, at hindi lang mga taga opisina, pati na rin mga business partner nya ay nagrereto na rin ng mga anak para mapangasawa nito, pero ayaw ni boss eh," turan pa niya sakin na puno ng pagmamalaki.
Napatango naman ako. Hindi na nakapagtataka ang mga sinabi ni Nico sapagkat sino ba naman ang may ayaw sa gwapo, mabait, at napakamapagmahal na lalaking tulad ni Dylan. At syempre hindi mawawala ang katunayan na mayaman pa siya. Full package talaga.
"Mukha naman talagang lapitin ng chicks si Dylan kaya medyo nakakapagtaka na wala syang girlfriend ngayon," sabi ko naman habang inaayos ang pagkakapatas ng mga regalo para hindi ito nakakalat.
"Hmm, nung highschool kami, talagang chickboy yang si boss Dylan, pero nung nag-college kami ay tumino naman sya dahil sa isang babae, akala namin sila na ang magkakatuluyan, pero bago mag graduation ay nag break sila dahi--- Arayyy!! Boss naman!"
Nagulat naman ako sa sigaw ni Nico, sobra kasi akong focus sa pakikinig sa kanya, hindi ko na rin napansin na nasa likod na pala niya si Dylan at hawak-hawak ang tenga niya ngayon.
"May sinasabi ka Nico?" pagbabanta pa ni Dylan, pero halata namang nagbibiro lang siya.
"He-he wala boss, sorry po," natatawa namang sagot ni Nico habang hawak pa rin ang masakit nyang tenga.
"Di ba may ipinabibili pa ako sayo?" seryoso pang ani Dylan dito.
"Ay oo nga pala boss, nakalimutan ko na haha" napapakamot pa sa batok na sabi ni Nico.
"Ry ko pwede mo bang samahan si Nico?" baling na tanong naman ni Dylan, kaya napatango naman ako.
"Oo naman Dylan, magpapalit lang ako ng damit," sabi ko sabay takbo papunta sa kwarto.
-----------------------------
3RD PERSON POV
NANG makaalis na si Rylan ay binalingan naman ni Dylan si Nico at binatukan ulit ito.
"Nico, daldal mo talaga eh no?" inis na saad ni Dylan sa kaibigan.
"Hehe sorry na talaga boss, napasarap ako sa pagkukwento."
"Sige na isakay mo na sa dala mong kotse ang iba nitong mga regalo at alam mo na ang gagawin di ba?"
"Oo naman boss, ako na ang bahala kay Rylan, gawin mo na ang plano mo," turan ni Nico sabay saludo pa.
Nagtanguan ang dalawa at dumating na si Rylan para samahan si Nico.
"Aalis na ako Dylan," paalam pa ni Rylan at mabilis na kinawayan siya.
'Bye Ry ko, mag ingat kayo ni Nico," sabi pa niya sabay g**o sa buhok ni Rylan para asarin ito.
"Sige ba-bye."
Inihatid ni Dylan ng tingin ang kotseng sinasakyan ni Nico at Rylan, ngayong nakaalis na sila ay sisimulan na ni Dylan ang kanyang plano.
▼△▼△▼△▼△
RYLAN POV
HABANG sakay kami ng kotse ni Nico ay di ko mapigilang itanong yung kasunod ng kwento ni niya kanina bago dumating si Dylan.
"Haha ayaw kong mapa-trouble dahil sa kadaldalan ko Rylan."
Yan lang naisagot niya sa akin kaya naman hindi nasagot ang kanina ko pang tanong sa aking isipan. Bakit sila naghiwalay ng girlfriend niya nung college?
Ayaw ko namang piliting tanungin pa si Nico, baka magalit pa si Dylan sa kanya. Baka napaka-kontrobersyal ng topic na iyon.
"Sya Nico, Saan nga pala tayo pupunta?"
"Ah may pinahahanap si boss sa akin eh, salamat sa pag sama mo ha."
"Ah, sige wala yun, ano ka ba?" saad ko pa habang natatawa, bigla kasi siyang naging pormal.
Hmm, siguro magandang pagkakataon din na nakalabas ako ng bahay, makakabili ako ng pwede kong iregalo kay Dylan. Alam kong marami ng nagregalo sa kanya sa araw na ito, pero kahit ganun ay gusto ko pa rin syang bigyang ng galing sakin. Hindi ko pa nga lang alam kung ano.
Nagtungo kami ni Nico sa iba't ibang mall para hanapin ang sinasabi nyang ipinabibili ni Dylan, kanina ko pa din syang tinatanong kung ano ang bagay na iyon, pero ayaw naman nyang sagutin. Minsan ay iniiba pa nya ang usapan. Ewan ko sa kanya parang may tinatagong ewan eh.
"Nico, matatagalan talaga tayo pag di mo sinabi kung anong bibilhin natin, paano kita matutulungan."
"He-he ano kasi yun Rylan, pinapahanap ako ni boss ng birthday gift para sa isa nyang business partner, kaso wala naman akong maisip eh," sabi nya habang napapakot sa ulo.
"Sorry talaga Rylan ah, pagod ka na ba?" tanong pa niya muli.
"Ah ganuna ba, hindi pa naman Nico, saan ba mahilig yung business partner ni Dylan? " tanong ko naman sa kanya para matulungan ko sya, balak ko kasi na pagnakabili na kami ng birthday gift ay bibili na rin ako ng regalo ko para kay Dylan.
"Ah sa... sa...di ko kasi alam eh" natatawa pa niyang sagot kaya napabuntong hininga ako. So, kanina pa pala kami nagpapa ikot-ikot dito ng walang ideya kung anong hinahanap nami.
Sarap batukan ni Dylan, nagpapabili siya ng regalo na di manlang nagsabi ng kahit anong detalye tungkol sa kanyang business partner. Hirap tuloy nito.
Pero kahit wala kaming idea kung anong pwedeng iregalo ay nagpasya na lang kami ng isang bagay na magugustuhan ng isang business man. Ano pa edi necktie. Naghanap kami ng maganda at babagay sa isang elegante at mayamang business man.
Marami kaming mga tindahan at shop na napunatahan pa lang makahanap ng magandang necktie. Medyo nakakapagod pero okay na rin, habang namimili kasi kami ay nag iisip naman ako ng pwedeng iregalo kay Dylan.
"Thank you sir," nakangiting sabi ng cashier ng maibigay na samin ang binili naming item. Nagpasalamat din kami sa kanya bago lumabas sa shop na iyon.
"Ano Rylan, balik na tayo?" pag aaya ni Nico sa akin, pero pinigilan ko siya.
"Teka Nico, gusto ko kasing bilhan din si Dylan ng regalo, pwede mamaya pa tayo bumalik?" pakiusap ko pa sa kanya.
"Oo naman walang problema, ano bang bibilhin mo?" tanong pa nya habang napapalinga sa paligid.
"Ah, gusto ko sanang bilhin ay yung magagamit ni Dylan."
Yun na lang ang naisagot ko sa kanya at bumalik na kami sa isang shop kung saan ako nakakita ng pwedeng ipang regalo kay Dylan.
Dahil sa tagal ng paghahanap namin at pag iikot ikot sa ibat ibang tindahan at mall ay di ko na napansin ang oras, paglabas namin ng mall ay talagang madilim na. Mag aalas otso na pala ng gabi. Sana naman ay di nag aalala si Dylan.
Nagbyahe na ulit kami ni Nico pauwi sa subdivision. Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay di na bumaba si Nico sa sasakyan.
"Rylan, pasensya na ah, pwede ikaw nalang magbigay nito kay boss, gabi na rin kasi kailangan ko na ding uwi sa amin."
"Oo naman Nico, walang problema yun," sabi ko at kumaway ng makaalis na ang sinasakyan niyang kotse.
Pagpasok ko pa lang sa pinto ay may kakaiba na akong naramdaman, Tinawag ko ang pangalan ni Dylan ng ilang beses pero di siya sumasagot. Napatingin ako sa pulang bagay na nakakalat sa sahig, patungo ito sa may kusina at palabas ng pinto papunta sa likod bahay kung nasan ang pool .
Sinundan ko ito at nang makalabas ako ay nagulat ako sa nakita.