RYLAN POV Ngunit nang makita ko ang malambot niyang paraan ng pagtingin sa akin at ang tray ng pagkain na kanyang dala ay medyo nakahinga ako ng maluwag. Lumapit siya sa aking kinalalagyan at ipinatong ang tray sa bedside table namin rito. "Kumusta ang pakiramdam mo, mahal ko?" bati pa niya habang marahan na hinahaplos ang aking pisngi. "Okay naman, medyo masakit lang ang ulo ko," Dahil sa kirot sa sintido na aking nararamdaman kaya naman nai-hilig ko na lamang ang aking pisngi sa kanyang palad. "Hangover yan, mahal ko, heto inom ka muna nito," aniya at mabilis na kinuha ang banana shake sa tray. Masaya ko naman iyong tinanggap at sinimulang inumin para maibsan ang nararamdaman kong hilo at sakit ng ulo. "Salamat Dylan, hindi ka ba galit sa akin?" "Why would I? Dapat nga ikaw pa

