Chap 47 RYLAN POV "Arghh! Ang sakit ng ulo ko!" napahiga muli ako nang maramdaman ang matinding kirot ng aking ulo. Hindi ko alam kung anong oras na o kung anong nangyari kahapon. Ngunit nang imulat ko ang aking mata at bahagyang napasilay sa paligid, doon ko na pagtanto na nasa bahay na namin ako. 'Ah nasa bahay na ----- shite! Si Deden!? Si Dylan!? A-Anong nangyari kahapon?' natataranta kong sigaw sa aking isipan at mabilis na napaupo sa kama. Pero, dahil sa mabilis na pag bangon kaya naman umikot ang aking paningin dulot ng hilo kaya napahawak na lamang ako sa masakit kong ulo. 'Naku nga, ano bang kabaliwaan ang ginawa mo kahapon Rylan!?' inis na saad ko sa aking sarili. Siguradong si Dylan ang nagdala sa akin pauwi kagabi. Sure akong nakita din niya ang kahiya-hiya kong itsura

