RYLAN POV 'Hm? May nakalimutan pa ba akong bilhin?' tanong ko pa sa aking sarili habang kinakalkal ang laban ng eco bag na aking dala. Malapit lang naman ang shop na pinuntahan ko kaya nag jeep na lang ako papunta doon. Friday lang ngayon kaya nasa school pa si Deden, mamaya ko pa siya susunduin. Ngayon nga ay naglalakad na ako papasok sa subdivision nang mapabangga ang mukha ko sa isang pader na nada gitna ng sidewalk. "Aray naman," reklamo ko pa habang hinahaplos ang masakit kong noo. Nakayuko kasi ako habang naglalakad dahil ini- inspeksyon ko ang aking mga pinamili. "Oh, are you okay?" nag aalala pa niyang tanong. "A-Ah, okay lang ako," sagot ko pa ng humarap sa akin ang pader-- I mean, yung lalaking nakaharang sa daan. Malaki siyang tao, mga kasing tangkad ni Dylan, pero ang i

