RYLAN POV HABANG naghihintay sa waiting area ng police station ay bigla akong nakatanggap ng chat galing kay Dylan. Dylan: Mahal ko, kumusta ka na dyan? Baka medyo matagal pa ito. Ry: Okay lang Dylan, pasabi na lang kay Geoff, kasama ko na rito sa waiting area si Mama Chona. Matapos isend ang chat na iyon ay muli ko nang itinago ang cellphone sa aking bulsa. Ngayon ay nagsasampa na sila ng kaso sa suspect para madala iyon sa korte. Naroon naman si Dylan at Attorney para umalalay kay Geoff, mukha kasing bumabawi pa lang si Mama Chona ngayon. Pansin ko pa nga ang pangangatal ng kanyang katawan dulot ng matinding tensyon. "Heto po, inom pa kayo," alok ko muli sa kanya. Ngumiti lang naman ang matandang donya bago tanggapin ang bote ng mineral water na ibinibigay ko. Lumipas ang ilang m

