3RD PERSON POV "Kuya! Sunog na po ang niluluto n'yo!" "Ha!" nagmadali naman si Geoff na tumayo at nilapitan ang kalderong nakasalang sa stove. Nasira kahapon lang ang rice cooker nila kaya naman manual ang pagluluto niya ngayon. Dahil sa pagkatulala kaya napabayaan na niya ang pinabantayang kanin. "Naku, magagalit po si tito Rylan kapag nalaman niyang sinunog niyo ang kanin," paalala pa ng kapatid niyang si Pritz. Napangiti na lang siya nang bahagya bago guluhin ang buhok nito at bulungan. "Shh wag mo na lang sasabihin, bibilhan kita candy bukas," aniya pa. Tumango naman ng paulit-ulit ito at saka tumakbo na pabalik sa paglalaro sa living room. Napabuntong hininga naman siya. Nitong mga nakaraang araw ay binibisita sila ni Rylan upang alamin ang kanilang kalagayan. Sa totoo niyan ay

