Chap 37 RYLAN POV HIGIT sa lahat, ang awa ang pinaka ayaw nilang makita at ipakita sa kanila. Kahit napakabata pa nila ay ginagawa nilang dalawa na mabuhay at magpatuloy. Sa halip na tanungin pa sila ng kung ano-ano. Bahagya akong napangiti at saka inilabas ang mga tupperware na aking dala. "Kumain na ba kayo?" "Hindi pa po!" Napalingon naman ako dahil sa masiglang sigaw na iyon. Napangiti pa ako dahil nagmamadaling tumayo mula sa sofa ang batang babae at tumakbo palapit sa akin. "Pritz," mahinang pagsasaway ni Geoff sa kapatid. "Pero, kuya! Gutom pa po ako," katwiran naman ni Pritz sa kapatid. "Ah ano ba ang hapunan nyo?" hindi ko maiwasang di maitanong. "Tinapay at pancit canton po tito!" nakasimangot pang tugon niya sa akin, at mukhang hindi iyon sapat dahil napapahawak pa a

