NICO'S POV "Sige Boss, ako na bahala sa mga naiwan mong paper dito, ire-reschedule ko na rin ang iba mong appointment," kalmadong saad ko habang nakaharap sa computer na nasa aking table. Nakaipit din sa aking ulo at balikat ang telepono upang sabay kong magawa ang mga dapat kong asikasuhin. Sa totoo lamang ay gusto ko rin pumunta sa police station at samahan sina Boss at Rylan upang alamin ang takbo ng kaso, pero marami pa akong dapat gawin dito sa opisina kaya hindi ako makaalis. "Noted, Boss," ani ko bago ibaba ang tawag. Chill lang ako habang kausap si Boss, pero ang totoo niyan ay gustong-gusto ko na rin maki osyoso sa kanila kung sino nga ba ang witness at kung siya na ba ang makakalutas sa kaso. "Hays, buhay nga naman. Trap na naman ako dito sa opisina," inip na bulong ko pa sa

