RYLAN POV "Relax ka lang mahal ko," ani Dylan kaya napalingon ako sa kanya. "Hm, salamat Dylan," pabulong na saad ko naman at nagawa pang gawaran siya ng isang ngiti. Nasa byahe kami ngayon patungo sa police station. Hindi kayang ipaliwanag ng salitang kaba ang nararamdaman ko, parang lalabas na sa aking dibdib ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil sa marahan niyang paghaplos sa aking kamay. Muli ko siyang nginitian at sinuklian naman niya iyon kaya lalong napanatag ang aking kalooban. Maya-maya pa ay narinig kong kausap na niya si Nico, siguro dahil sa mga naiwang trabaho sa opisina. "Dapat isinama na natin si Geoff," bulong ko pa habang nakatingin sa labas ng bintana. "Hm, pero siya naman ang tumanggi, hindi ba?" rinig ko pang tugon niya

