RYLAN POV NANG makapasok naman kami sa station ay nakasimangot na mukha agad ni Dylan ang aking nakita. Alam kong nagtatampo na siya at natutuwa pa ako dahil sa kyut niyang ekspresyon. 'Para kasing bata.' Mag isa lamang rin siyang nakaupo doon sa may unahan at binabantayan ang aming mga gamit. Habang napapalibutan siya ng ibang tao na kung silayan siya ay daig pa niya ang isang artista. "Ang gwapo naman, may shooting ba dito ngayon?" "Baka nga." Rinig ko pang bulong-bulungan sa paligid kaya naman napapailing ako habang palapit sa kanyang kinalalagyan. Mabilis naman niya akong nakita at nagliwanag ang kanyang mga mata. "Kumusta, dumating na ba ang witness?" tanong ko pa sa kanya matapos umupo sa kanyang tabi. "Wala pa rin, mahal ko, pero kita kong tapos na nilang gamitin ang intervi

