The next day I woke up with a slight headache. Ito marahil ay dahil sa puyat. Pagkatapos naming makapag-usap ni Charles kagabi ay iniwan ko na siya. He doesn’t want to let me go pero nakiusap ako sa kanyang bigyan ako ng sapat na panahon para pag-isipan ang lahat. At kahit nakauwi na kami kagabi ay hindi naman ako agad nakatulog. Pabalik-balik sa isip ko ang malungkot na mukha ni Charles habang papalayo ako sa kanya kagabi. Ang pamumula ng mga mata niya dahil sa pag-iyak at ang ilang beses niyang paglunok para pilit na itago ang sakit na nararamdaman niya. Bumaba ako at sinalubong naman agad ako ni Marie. Alas otso na pala ng umaga. Ito na yata ang pinaka-late na gising ko. “Nasaan ang mga bata?” tanong ko. “Hay naku, tulog pa. Napagod at na-stress din yata sila kagabi kaya hinayaan ko

