Kristine’s POV “Mom! Mommy, where are you?!” narinig kong sigaw ng anak ko. nagkatinginan kami ni Marie sa tinis ng boses ni Christian. Bumungisngis pa si Marie dahil sa napaka-cute na pagtawag ng anak ko. Gano’n pa man ay hindi ito huminto sa ginagawa. “In the kitchen, baby!” tawag ko sa kanya. Humahangos ito nang marating ang kinaroroonan namin. Napataas pa ang kilay ko nang makitang tila excited ang mga mata nito. “What’s wrong?” natatawang tanong ko. “The big man is here!” medyo bulol pa ang pagkakasabi niya at hinihingal kaya natawa kami. “Big man daw? Sino iyon?” tanong ni Marie na nalukot pa ang mukha sa pagtataka. Ako naman ay napalunok at biglang kinabahan dahil parang kilala ko na ang tinutukoy niya. Nahanap na agad ni Charles ang tinitirhan namin? Tapos bigla kong naalala

