Dumiretso ako sa kuwarto ko at ipinagpatuloy ang pag-iyak. Sumasakit talaga ang puso ko para kay Sander. Napakabuti niyang tao para lang masaktan ng gano’n lang. Maya-maya ay narinig ko ang mahinang pagkatok at pagtawag ni Marie sa akin. Hindi naka-lock ang pinto kaya nakapasok siya at agad na lumapit sa akin na may pag-aalala sa mukha. “Ano ang nangyari? Bakit ka umiiyak ng ganyan?” banayad na tanong nito at hinawi pa ang mga buhok na tumatakip sa mukha ko dahil sa pag-iyak. “I hurt Sander. Ipinagtapat ko na ang lahat sa kanya. Sobrang sakit din palang makita iyong kaibigan mong nasasaktan ng labis dahil sa iyo,” pumipiyok ang boses na sagot ko at muling lumandas ang masaganang luha mula sa mga mata ko. “Ang mahalaga, naging matapat ka sa kanya. Mas mahirap naman kung pinaasa mo siya

