Kinabukasan ay napabalikwas ako dahil ako na lang pala ang naiwan sa higaan. Nang tingnan ko ang oras ay lampas alas-otso na ng umaga. s**t! Ngayon lang ako tinanghali ng gising na naman, ah. Bakit hindi ko man lang naramdaman ang pag-alis ng mga katabi ko? Lumabas ako at dumiretso sa kuwarto ko para mag-tooth brush at maghilamos. Paglabas ko ay bihis na bihis si Marie at ang mga bata. “Ano’ng mayro’n? Bakit nakabihis kayo? Saan kayo pupunta?” dire-diretsong tanong ko kay Marie na katatapos lang ilagay ang sapatos ni Christian. Inayos pa niya ang ilang hibla ng buhok na bahagyang tumakip sa noo nito bago ako nilingon. “Mommy, we’ll go to the mall!” Si Charlie ang sumagot na halatang tuwang-tuwa. Siguro ipapasyal ng daddy nila. Okay. “Ang galante ng asawa mo ha? Sabi niya puwede naming

